Sorry, no results were found for

2011 Cosmo Centerfold: Ejay Falcon

How much has this ruggedly handsome actor changed since his 2009 Centerfold stint? Find out when you view outtakes from his recent Cosmo shoot and his candid interview.
Post a Comment

ejayHas it really been two years since we featured 21-year-old French-Filipino actor Ejay Falcon in the 2009 Cosmo Men supplement as one of the Centerfolds? We can still remember him posing seemingly naked by that motorcycle like it was only a few months back! That year, he was a PBB Teen who went sexy for the first time. Now, he's made himself even sexier and ready to...take his clothes off more often if needed!

"'Di ba nagpa-sexy naman ako, nag-topless na ako, sana tuluy-tuloy [na] 'yung nasimulan ko...alam n'yo na 'yon...'yung pagto-topless," he told us with a laugh when we asked what other things he hopes to do in showbiz!

The Pinoy Big Brother Teens winner has come a long way since 2009, having starred in several shows such as May Bukas Pa, That's My Doc, and recently, Guns And Roses, with Empress Schuck and Bea Alonzo, among several others.

We got to chat more with Ejay after his steamy, nautical-themed photo shoot, and you can read our full exclusive interview with him below. Then, launch the gallery to finally view behind-the-scenes photos of his Centerfold shoot! (Witness Ejay's sexy stunt when you watch the telecast of the Cosmo Bachelor Bash 2011 on Sunday, November 27, 9PM on ETC.)

How do you feel about being a Cosmo Centerfold for a second time? 

'Yon naman talaga 'yung sabi nila sa akin, na nabitin sila, kasi kahit ako naman bitin kasi 'di pa ako ready nung time na 'yon. Parang medyo nagdadalawang-isip din akong umakyat sa stage, rumampa, pero ayaw ko lang talagang sabihin ng taga-Cosmo na "Uy, si Ejay ba't ganun, 'di sumipot," kaya pumunta ako. Pero alam ko sa sarili ko na 'di pa ako ganun ka-ready--'yung katawan ko, lahat-lahat, 'yung isip ko...nung 2009.

Siyempre masaya [ako ngayon], sabi nga bihira raw na nauulit 'yung Centerfolds. Masaya siyempre, 'di naman lahat nabibigyan ng chance na, unang-una, na umulit, 'di ba, na mapasama sa Cosmo, kaya sobrang saya ko.

What has changed about you since 2009?

Nagbago unang-una 'yung katawan siyempre, tapos medyo ngayon malakas na 'yung loob ko, pumapayag na 'ko, gaya ng ginawa kong pictorial. Medyo mahirap para sa'kin 'yon, pero napapayag ako kasi alam ko na kakayanin ko, kaya ng katawan ko, kakayanain ko na mas pagandahin pa 'yung katawan ko sa September para sa ramp. (Check out Ejay's smokin' bod at the Bash in this photo gallery!)

So do you think you're sexier now than you were two years ago?

Oo naman, kahit naman 'yung nakapaligid sa'kin na tao, [sabi] "O gumaganda katawan mo ngayon ah, 
anong ginagawa mo para gumanda ang katawan mo?" So 'yon, siyempre 'di ko kinakalimutang mag-workout, mag-basketball, jogging, boxing din minsan, tapos diet. Kailangan 'yon. 'Yon 'yung gingawa ko ngayon, sa tulong din ng trainer ko nagagawa ko ng maayos.

Did your 2009 Cosmo Centerfold stint help your career in any way?

Oo, kasi nung time na 'yon, ginagawa namin 'yung Katorse; nung nalaman nila na nag-topless kami sa Cosmo, kasama ko si Xian Lim nung time na 'yon, binago nila 'yung script--may nilagay silang mga topless. Sabi ko, "Ano'ng nangyari?" Sabi nila, "Nakapag-Cosmo ka na, kaya mo 'yan." E 'di ba medyo after ng Cosmo, kumain ako, pero nung pinanood ko naman, magaling naman 'yung director namin. 'Yon, medyo napuri [ako] kasi ang ganda ng shots. Dahil sa Cosmo rin 'yon: "Wow, hunk, maganda 'yung katawan, maganda 'yung tindig."

Is there anything you'd still want to try in showbiz?


Oo, sa leading lady, lagi ko namang sinasabing gusto ko namang makatrabaho si Kim Chiu at Sarah Geronimo. 'Yung dream role ko, parang nagagawa ko naman sa Guns And Roses kasi action, kaso sana, mas damihan pa nila 'yung action scenes 'tsaka 'yun, 'di ba nagpa-sexy naman ako, nag-topless na ako, sana tuluy-tuloy 'yung nasimulan ko...alam n'yo na 'yon... 'yung pagto-topless. (Laughs.)

How do you unwind?

Kumakain, tumatakbo, minsan nagpaplanong mag-basketball.

How can a girl help you relax?

Taga-punas ng pawis. (Laughs.) E 'di tumakbo siya sa harap ko nang sobrang pa-sexy, siguro mare-relax ako, mas gaganahan pa 'kong tumakbo.

How else can a girl help you relax and feel good?
 

Siyempre 'yung mga advice, tapos 'yung lambing, i-massage ka...'yon, relax na relax.

What's your favorite destination?

'Yung province ko, sa Mindoro, kasi tuwing umuuwi ako doon, nakakalimutan ko lahat ng problema e. Kahit ganito kaming mga artista, madami kaming iniisip, prinoproblema; 'pag umuwi ako sa probinsya namin, kung saan ako lumaki, nababawasan siya. Nakakalimutan ko na 'di ako artista ngayon, nandito ako sa lugar ko, parang normal na tao ako, lahat magagawa ko sa Mindoro.

What do you want girls to know about you?

Ako 'yung taong parang 'di nagsasalita pero alam niya 'yung nangyayari sa paligid niya; nakikinig ako sa lahat 'di ko man kausap. Nagbubulungan kayo sa kabilang kanto, alam ko lahat ng nangyayari. 'Di naman sa tsismoso, lagi lang akong nag-o-observe sa lahat. Sa sobrang tahimik ko, alam ko 'yung nangyayari.

Here's something our readers want to know: Are you single or in a relationship?

Single, walang magagalit.

What would make you want to let go of the single life?

Siguro 'pag alam ko na kaya ko nang pagsabayin 'yung trabaho ko [at siya], na alam ko nang 'di maaapektuhan 'yung career ko, 'yung acting ko, kasi minsan dumarating sa point na may girlfriend ka, tapos nagti-taping ka, tapos may selosan. Siyempre maaapektuhan 'yung acting mo kasi dalawa iniisip mo. Pero ngayon, siguro parang kaya ko na, kasi mas natuto na kong umarte, alam ko na 'yung techniques, so okay na, pwede na.

Describe your type of girl.

Gusto ko maingay kasi sobrang tahimik ko na; parang gusto kong may nagpapasaya rin sa'kin, gusto ko ng ganun.

How about in bed, do you like girls who are aggressive?

Parang mas gusto ko na ako 'yung aggressive.

Was there ever a time you found a girl too aggressive for you?

Aggressive, pero hindi sa kama...ayaw ko namang sabihing patay na patay sa akin, pero 'yung parang nagpaparamdam siya na andun pa lang kami sa stage na nagte-textan, wala pang ligawan, medyo sinasabi nang kumbaga ang ginagawa ng lalaki sa babae e panliligaw.

What qualities do you find sexy about a woman?

Hindi ako tumitingin sa panlabas e... Siguro para sa'kin, 'yung sexy basta hindi maarte; parang mas naa-attract ako sa mga babeng 'di maarte, parang low profile lang, simple lang.

What outfit do you find sexy on a woman?

Noong nag-Bench kami sa Araneta, may babae na artista na sobrang wow, ibang klase...suot niya gown, basta mahaba, 'di siya 'yung parang 'pag tiningnan mo sexy na naka two-piece lang, 'di siya ganun...kahit balot na balot siya, sexy.

What's the sexiest thing a girl can do for you?

Kiss. Pwede naman kiss kahit saan e, 'di naman sinabing kiss lang sa lips, 'di ba? Iba't ibang kiss 'yan, maraming kiss 'yan, basta 'yung lips... Kung saan man mapunta, 'yon na 'yon..

Would you ever hook up with a stranger?

Hindi, kasi siyempre laganap ngayon 'yung sakit, 'yung AIDS; ayaw ko namang dahil sa panandaliang ligaya, kapalit noon 'yung buhay mo, 'yung career mo.

Name something all girls should know about guys.
 
Dapat alam n'yo na 'pag malaki ang paa...'yon.


Launch the gallery to view behind-the-scenes photos of Ejay's second Centerfold shoot. Watch his behind-the-scenes video and interview here. Catch Ejay at the telecast of the Cosmo Bachelor Bash on ETC this Sunday, November 27, 9PM.



With reports from Trixie Reyna

Continue reading below ↓
1548