Sorry, no results were found for

What We Learned About Jennylyn Mercado In 8 Magazine Covers

Read this for the ultimate Jennylyn Mercado throwback.

Here's what Jennylyn had to say about her StarStruck days, becoming a single mother, solidifying her place in the industry, and needing only one man in her life, her son Jazz. 

Cosmopolitan March 2007

On joining StarStruck:

“’Yung pag-aartista, I really didn’t plan it. My manager told me to go to the screening para lang subukan and at that time, ayoko talaga pumunta. It just so happened na wala naman akong kailangang gawin n’ung araw na ‘yun so pumunta rin ako.

“I really didn’t expect na manalo sa Starstruck.

On her insecurities:

Minsan feeling ko ang taba ko ‘pag katabi ko ‘yung ibang artista. Ang hirap ‘pag ginugutom mo sarili mo. Ayoko ‘yung experience kong ‘yun, kaya ayoko nang ulitin.”

“Pero ngayon hindi ko na sine-stress sarili ko sa mga ganung concerns, iniisip ko na lang na iba-iba talaga itsura ng tao kahit anong gawin mo. Happy na ako kung ano ako.

On Mark Herras:

Si Mark first boyfriend ko. Aaminin ko na na-develop lang talaga ako habang dine-develop din ‘yung love team namin.”

“Madalas nila akong pagsabihan na i-practice ko naman daw yung ‘art of plasticity’ na sobrang hirap gawin lalo na ‘pag galit ako kay Mark. Ang tigas-tigas talaga ng ulo ko ‘pag galit ako sa kanya kasi ayoko talaga siyang kausapin pero ang hirap kasi madalas kailangan sabay pa kaming mag-promote ng projects kasi love team kami nun.”

“May mga times noon na ‘pag sabay kaming ini-interview napipilitan lang talaga akokahit si Mark din naman napipilitan—pero wala na lang kaming magawa about it kasi mahalaga yung love team, eh. Basically, wala kaming choice.”

On her relationship with Patrick Garcia:

Ayoko magmukhang binebenta namin ‘yung relationship namin o kaya isipin na pang-publicity lang ‘to. For me, a relationship should be something private. Of course, hindi rin maiiwasan ang nakikialam kasi pareho kaming nasa showbiz. But we started out as friends lang talaga.”

“For me, one thing that proves a man is serious about me ay ‘pag love niya family ko tsaka ‘pag pinapakilala talaga ako sa parents niya. Lalo na ‘pag nararamdaman ko na tanggap ako talaga ng pamilya niya for what I am.”

Continue reading below ↓

FHM January 2008

On dealing with negativity:

“Pag may sama ako ng loob sa isang tao, tahimik lang ako. Madali rin ako magpatawad.”

Her type of guy:

“Siyempre gentleman, supportive, loyal, and someone who will love me unconditionally. Hindi sinungaling.”

FHM November 2009

On motherhood:

Dahil naging mommy na ako, I need to be more careful sa mga ikinikilos at ginagawa ko. Kasi ayoko namang paglaki ng anak ko—“Mommy bakit mo ginawa ito, bakit mo ginawa yan?” So actually, nadagdagan yung limits. But at the same time mas open, mas vocal na ako about what I want and don’t want. Kung before lagi ko lang pinaparaan sa manager ko lahat, ngayon sasabihin ko na talaga straight kung ayokong gawin ang isang bagay. I think I owe it to myself to be more comfortable naman this time.”

On being sexy:

Yung sexiness kasi hindi naman ibig sabihin pag sexy ka, sexy ka lang physically, you have to feel it diba? Kumbaga siguro kahit balot na balot ka, pero dala mo yung attitude and confidence, then you’re sexy.”

On being conservative:

“Conservative siguro when it comes to dressing. Kasi iba yung nakikita ng tao. Lalo na pag nasa showbusiness ka, you’re judged by first impressions.”

“Am I conservative other than sa pananamit? Well, sabihin na lang natin na kung conservative ako, hanggang ngayon, hindi pa rin ako nabubuntis, ha ha ha!”

Smart Parenting October 2010

On her pregnancy:

“I got scared when I first learned I was pregnant. Hindi ako prepared talaga.

Hindi ko alam kung paano ko papasukin yung sitwasyon na mag-isa. Worried ako na baka hindi ko kayanin yung responsibility.”

On her father’s passing on the same day she brought home her newborn son, Jazz:

Yun yung pinaka-miserable ako. Nagdadaan ako sa depression, wala akong kasama, hirap ako physically, ang sakit ng tahi ko, tapos ninakawan pa ‘ko ng P.A. ko—parang lahat nawala…sabay-sabay!

On single motherhood:

Mas okay na as early as now, nakita ko yung reality, kung ano ba talaga ugali ng tao. At least, ‘di ako nagpakasal. Wala akong proproblemahin. Otherwise, lalo pa akong mai-stress.”

Continue reading below ↓

“I didn’t want to get married for the wrong reasons, like dahil pregnant ka lang, magpapakasal ka na. Kailangan mong isipin, anong consequence pag nagpakasal ka? Blessing talaga na hindi natuloy yung relationship namin [ni Patrick Garcia]. Mas masaya pag single ka, nagagawa mo lahat ng gusto mo. Hindi ka nasasakal.

On allowing Patrick to have a relationship with their son, Jazz:

Siyempre, kailangan din naman nung anak ko yung love ng [tatay niya]. Iba kasi yung pinapakitang love ng daddy kaysa sa love na pinapakita ng mommy, lalo na pareho silang lalaki. [My kid needs to experience] the things na ginagawa nila [as father and son].”

Women's Health March 2011

On her acting:

Pipili na lang ako [sa mga napagdaanan kokung ano ang pinakamalapit [sa role] tapos ‘yun ang huhugutin ko na emotion.”

“I went through a pack a day para lang mapag-aralan kung paano manigarilyo [for her role in Rosario]. Isipin mo ‘yun, from not smoking at all to a pack a day, without filters. Nagkakasakit ako n’un a, hinika talaga ako. Ang sakit ng dibdib ko sa kaka-sigarilyo.

Her biggest vice, shopping for designer bags:

Mas masama pa ‘ata siya kaysa sa alcohol! Hindi ako makatulog hanggang mabili ko na siya!”

On settling down with Dennis Trillo:

Seryoso, wala pa talaga akong planong ganyan. Unang-una, maliit pa ang anak ko.

Good Housekeeping July 2011

Her son as her source of strength:

Kapag nakikita mo ‘yung kid mo, parang, ‘Okay, kaya ko ‘to. Kasi ‘di ba, ang dami ko nang pinagdaanan. Dahil dun, naging stronger ako. Feeling ko wala na akong hindi kayang gawin. Parang lahat kaya ko nang gawin for my son and for my family.”

On keeping it simple:

Simple lang naman kasi ako eh. Kung ano ‘yung mga gusto ko dati, ‘yun pa rin ‘yung mga gusto ko ngayon. Simpleng buhay. Kasi di ba sa lifestyle ng artista, kailangan Malaki ang bahay, ganito, ganyan. Pero ako, as much as possible, gusto ko maging simple lahat para mas maging normal. Kasi, hindi na nga normal ‘yung buhay mo sa labas, pagdating mo dito sa bahay, hindi pa rin?”

Continue reading below ↓

On making peace with Patrick Garcia:

Kami ni Patrick, we’re okay. Mas okay na ganun. Gusto ko, kahit hindi kami together ni Patrick, na lumaki si Jazz na alam niya kung sino ang mommy at daddy niya. Ginagawa naming lahat para maging normal ang buhay niya, ‘yung paglaki niya.

FHM June 2013

On the change of her interpretation of "sexy":

Kasi  now parang mas hindi na ako nahihiya, I feel more confident. Siguro kung paano ako mag-project, kung paano ako humarap sa camera nagbago ngayon. Before nahihiya talaga ako, medyo conscious ako. Hindi ako sanay na magpakita ng skin kaya medyo nahihiya talaga ako nun. Ngayon wala na talaga. Siguro sa dami ko nang nagawang pictorials na medyo sexy, I’m now more comfortable with the concept.”

On her love of extreme sports:

Kasi ayoko ng mga usual sports na takbo or gym lang, or yung mga ginagawa nila para pumayat. Yoga, nabo-bore ako. Parang mas gusto ko yung extreme talaga like triathlon, diving, jiu-jitsu. I also tried Muay Thai pero hindi na talaga kaya ng katawan ko, parang sobra-sobra na. Para lang maiba. Ayoko ng usual na pa-girl-girl. I seem to be more comfortable in these kinds of sports.”

On her cheap thrills:

Makakain lang ako ng cake okay na ako eh! Basta makakain lang ako ng sweets, okay na, masaya na ako. Makapag-mall lang ako pwede na, happy na ako. Makapag-lunch out lang with family, okay na ako.

On her relationship with Luis Manzano:

“Well, itong pinakahuli talagang mahirap kasi ang tagal ng dating process namin. Kasi parang takot na takot na akong ma-in love ulit so pinahirapan ko talaga siya. Sabi ko kapag may nanligaw ulit sa akin sisiguraduhin kong papahirapan ko and I want to make sure na hindi niya na ako maloloko. Ha ha! Gusto ko talaga siyang i-test. So, nakapasa naman siya.

Hindi madaling tanggapin ang situation ko. Kahit na single mom ako, minahal niya ang family ko, especially my son. And for me that’s a big thing. Sana lahat ng lalaki ganun.

On her tattoos:

“I have three. All my tattoos represent something close to my heart. Eto talaga, pinag-isipan ko. Yung nasa back ko, yung nasa hips ko, G-clef tapos may mga notes. Alam niyo naman na bago ako mag-artista, singer ako. The one on my left leg, meron akong nakalagay na Jazz. Nung ipinanganak ko si Jazz, nagpa-tattoo ako. Ako ang nag-drawing, pina-stencil ko. Ayokong ipabago lahat, so sabi ko trace niyo yan and yan mismo yung ilagay niyo. The one one my back says ‘Love.’ I guess overall, makikita nila yung love ko sa anak ko and love for my craft.”

Continue reading below ↓

Would she rather be beautiful or real?

Mas maganda yung real. Karamihan naman ng mga katrabaho ko at mga kasama ko talagang alam nila na totoo ako and mas maganda nay un. Tanggapin niyo na lang ako. Di ba?

Good Housekeeping April 2014

On being obsessive-compulsive to Jazz as a baby:

Lahat ng hahawakan niya, gusto ko may punas or hugas. Kunwari nilabas ko siya at kakain kami, ‘Ay, teka lang. Huwag munang iupo.’ Lilinisin ko at aalkoholan ko yung lamesa at upuan. Tapos, mag-a-alcohol kaming lahat bago umupo. Pero ngayon, hindi na ako ganyan. Kahit papano maganda rin yung may konting germs sa katawan [laughs].”

On falling in love again:

It’s too soon…Sabi ko, ‘Okay lang. Meron namang Jazz eh.Napagod na ‘ko. Siguro sa susunod na ma-in love ako ulit mas maganda na yung wala sa industry. Ang hirap kasi ang daming temptation, ang daming beautiful faces. [Laughs] Mas maganda yung tahimik na lang at walang kinalaman sa industry.”

Kapag tinanggap mo ako, kailangan kasama si Jazz.”

Siyempre masarap pa rin yung may partner ka sa buhay. Yung hanggang sa pagtanda mo may nag-aalaga at nagmamahal pa rin sa’yo.

Follow Jacinda on Twitter.

RELATED:

What We Learned About Marian Rivera In 13 Magazine Covers

What We Learned About Heart Evangelista In 11 Magazine Covers