Aljur Abrenica: Why Cosmo Loves This Tough Starstruck Alum

The GMA-7 teen artista search winner grew up—and hotter—to become one of Cosmo’s ten Centerfolds.
Aljur Abrenica was just a harmless-looking sixteen-year-old cutie when he joined the celeb-making reality show, Starstruck. Three years later, the Pampangueno hottie is now being groomed as the next leading man in TV and movies. He is set to show off his acting chops in his first starring movie, Nandito Ako...Nagmamahal Sa 'Yo, opposite onscreen and off-screen love interest Kris Bernal.

Read on for Aljur’s musings on his flourishing career as a star, and check out the gallery to see his rock-hard abs and solid biceps, which he showed off in his Cosmo Centerfold shoot!

On Gaining Confidence And Maturity Since Starstruck: The Next Level

Mas nadagdagan ‘yung confidence ko, pero ‘yung ugali same pa rin. ‘Yung lifestyle ko medyo nag-iba. Mas naging seryoso ako.

Ang dami kong pinagdaanan kasi once pumasok ka sa industry, sinasabi nila na magulo raw, madumi. Lahat mae-experience mo pero makakabuti siya para sa’yo. Kasi mas tumitibay ka e, mas natututo ka. At the age of 19, parang minsan ‘pag may nakakausap akong tao, parang tingin nila sa akin hindi 19, parang mas matanda pa.

On The Kind Of Acting He Prefers

Kung bibigyan naman ako ng opportunity, gusto ko sana action-drama. Kasi sa nakikita ko, pang-action po talaga ako. Pwede rin po pang-drama pero more on action.

His Industry Idols

Marami, sina Dingdong Dantes, mga nakakatrabaho ko like sina Dennis Trillo [at] Mark Anthony Fernandez. Isa sa mga tinutularan ko na sana makatrabaho ko si Piolo Pascual.

On The Support His Family Gives Him

Lagi silang nandiyan kasi kung ako lang mag-isa hindi ko kaya ‘yan. Laging nandyan ‘yung family ko nagga-guide sa akin. Lalong-lalo na ‘yung father ko. Hindi ako kampante gumawa ng desisyon kasi minsan nagkakamali ako. Na-experience ko ‘yan at ayoko na maulit. Laging nandiyan ‘yung father ko. Mga kapatid ko, inspirasyon ko.

On Working With And Dating Actress Kris Bernal

Sometimes mahirap pero masaya. Mahirap kasi merong panahon na hindi kayo nagkakaintindihan, normal naman po ‘yun sa isang tao. Masaya dahil araw-araw magkasama kami. Masarap kapag ‘yung isang taong espesyal sa buhay mo lagi mong nakakasama.

Find out more about Aljur as he chats with us in this CosmoTV exclusive!

Photo by Dr. Marlon Pecjo78
Continue reading below ↓
Recommended Videos
Sorry, no results were found for