Follow the Chito Miranda-Neri Naig Love Story On #InstaSerye

Can this couple get any sweeter?!

Remember when we wrote about Chito Miranda and his suuuuper sweet love letters to his wife Neri Naig on Instagram? Well it seems like the actress started her own ode to the #ChitoNeri romance by posting tidbits of their personal love story with the hashtag #InstaSerye on IG. A social media retelling of their love story? Genius, right?

Here’s what Neri has posted so far on #InstaSerye:

Date Night!

Natapos ang taping ko at recording niya at nakahabol pa sa mall para makapanood ng Heneral Luna.

Sa wakas nakapag-date ulit. Busy kami pareho sa trabaho, ganun ata kapag magpapasko na, haha! Pero hindi kami nagrereklamo, super thankful kami.

Salamat po, Lord sa lahat lahat. Araw araw po ay masaya kaming mag-asawa.

Nakaubos ako ng dalawang orders ng bacon and cheese fries ng NYF at isang malaking iced tea at bumili pa ako ng isang bucket ng cheese popcorn at nagpadagdag pa ako ng cheese powder, hehe! Medyo nainis lang ako kase napakaingay ng dalawang couples sa likuran namin at napakalakas ng kwentuhan. Yung isa kinukwento pa yung nangyayare, nakakaloka. Buti na lang at tumahimik at nakaramdam na din nung nakailang pakiusap na kami na pakihinaan yung kwentuhan nila ng ilang beses.

Di ko gets talaga yung mga taong napaka ingay sa loob ng sinehan, yung nagkkwentuhan na akala mo nasa bahay lang nila. Tapos minsan magriring telepono nila na napakalakas at sasagutin pa ng napakalakas. Dapat kapag ganung klaseng manonood, pinapalabas ng sinehan, di ba?”

Continue reading below ↓

The Non-Driver

Lagi akong tinatanong kung nagda-drive ba daw ako ng kotse.

Hindi. Pero marunong naman ako dati kase nakakapag-drive naman ako sa Subic noon. Safe kase dun, sumusunod kase sa patakaran sa daan mga nagmamaneho. Saka hinuhuli talaga kapag lumabag ka. Ewan ko lang kung ganun pa rin ngayon.

Sinabi ko kay Chito na turuan niya ako magdrive sa Metro Manila. Ayaw niya kase daw magugulatin ako, delikado daw. Kase nagugulat talaga sa mga biglang sumisingit sa daan, lalo na yung mga humaharurot na motor. Kaya ayaw daw niya ako magdrive kahit kelan. Baka daw mapano ako.

Sabi ko naman matututunan ko rin ang pagddrive sa Metro Manila para kapag di available si Mang Din, ako na lang. Ayaw talaga niyang pumayag.

Saka daw kaya ayaw nya akong matutong magdrive kase daw kapag nag away daw kami, at least hindi daw ako makakaalis ng bahay. Hindi daw ako makakalayas, haha! Sira ulo yun. Pero yun lang lagi niyang joke. Di naman ako madrama na lalayas layas tapos magpapahabol. Never ko talagang gagawin yun.

Ayaw lang talaga nya na may mangyare sa aking masama kase nga magulo magdrive sa Metro Manila. Sumabit nga lang ako o magkapaper cut, grabe na makareact asawa ko, kulang na lang itakbo ako sa ospital. Pinapagalitan pa nga ako. Wag daw ganun kase hindi siya mapalagay kapag nasasaktan ako.

Kapag iiyak ako, yayakapin niya ako ng mahigpit. Ayaw niya akong nakikitang umiiyak o sad. Kaya wala siyang ginagawa na ikasasama ng loob ko kase mas masasaktan siya kapag makikita niya akong malungkot.”

Just Like Kids!

Continue reading below ↓

Nagyaya si Chito na magbasketball daw kami sa Timezone.

Ayun, talo siya.

Hahahaha!”

Can Hardly Wait

Dalawa yung trabaho nila Chito ngayong Sunday. Uwi din daw siya after ng tugtog nila. Kaya nilagay ko na yung ulam sa dining area malamang gutom yun pag uwi. Nagbake na din ako ng brownies para dessert niya at para may kainin din siya habang nanonood ng American Guns (yun ba yung title ng pinapanood mo baby ko? Yung may gunshop yung isang pamilya? Parang Duck Dynasty pero puro baril?) Nilagyan ko na din ng walnuts yung brownies niya, paborito niya kase yung walnuts. Tapos ang paborito niyang inumin sa dessert niya, fresh milk na maraming yelo. Haha! Ganun ka-baby ang asawa ko. Ang cute cute! Parang grade one lang na may baon sa school.

Hindi na kita mahihintay, mahal ko. Antok na antok na ako eh. Miss na miss na kita! Pag uwi mo, dahan dahan mo lang buksan yung door ha? Para di ako nagugulat. Saka paki off lahat ng ilaw, please. Malamang bubuksan mo na naman lahat ng ilaw at makakalimutang patayin esp sa banyo ko, haha!

Hug and kiss mo rin ako pagdating mo, kung magsungit man ako, alam mo namang nagsasalita ako kapag tulog at di ko maaalala lahat ng kinukwento mo sa akin tuwing umaga, haha! Ang importante kapag gising ako, eh mahal na mahal ka at sweet lang lagi sayo, hehe!

I love you.

Ingat kayo pauwi ni Mang Din!”

Ang Kwaderno

Continue reading below ↓

Ang Kwaderno.

Hahaha! Joke lang. Gustong gusto ko kase yung movie na "The Notebook". Binasa ko yung libro nung estudyante pa ako, di ko masyadong naappreciate, siguro nga bata pa ako nun, hindi pa makarelate. Pero nung napanood ko yung movie, grabe hagulgol ko. Sinabi ko talaga sa sarili ko noon na gusto ko makapangasawa ng katulad ni Noah.
Yung talagang mahal na mahal ako.

Kaya sobrang nagpapasalamat ako kay God kase binigyan niya ako ng isang Chito na parang isang karakter ng nobela. Yung mamahalin at papangarapin ng mga babae na magkaron ng isang katulad niya. Napakaswerte ko at pinagbigyan ako ni God. Ang lakas ko sa Kanya.

Mahilig ako sa mga fairytales kahit hanggang ngayon. Gustong gusto ko ng mga stories na laging may happy ending. Kaya siguro binigay din sa akin ni Lord kase naniwala ako na meron talagang Prince Charming na nakalaan para sa akin, basta naniwala ako at hindi nagmadali.

Bata pa lang ako, naniniwala na ako sa signs. Gumawa nga ako ng mga signs para malaman ko kung sino ang "the one" ko.

First sign, kung sino ang una kong makatitigan na guy habang pinapatugtog yung song na "The Way You Look Tonight", alam ko na he is the one. Syempre grade school pa ako nung sinulat ko yan sa journal ko kaya ganyan kababaw, haha!

Surprisingly, wala talaga akong maalala na nakatitigan ko. Teka, inaalala ko ngayon. Wala talaga eh. Wala talaga yung tipong kikilabutan ako.

Hanggang isang araw, nakilala ko si Chito at dinala niya ako sa isang Italian Restaurant sa Tagaytay. Pag pasok ko sa resto sabay pinatugtog yung "The Way You Look Tonight" at nakatitigan kami ni Chito. Kinilabutan ako ng sobra sobra. Sabi ko, oh no! Hindi pwede. Why? Siya ba? Hindi, bata pa ako nung ginawa ko yung sign sign na yan! Pero sa isip ko lang sinasabi yun. So imagine nyo na lang yung face ko habang sinasabi ko lahat yun sa isip ko, haha! Natakot si Chito sa reaction ng face ko, akala niya nakakita ako ng multo.

That was our second date.

Itutuloy....

#Throwback

Continue reading below ↓

“Little Rascals”

Follow Jacinda on Twitter.

Sorry, no results were found for