Sorry, no results were found for

Marian Rivera On Dingdong Dantes And Dealing With Showbiz Drama

Our gorgeous June cover girl tells us all about the two things she knows best: showbiz and love. Check out our exclusive interview!

With reports from Trixie Reyna


What's the most difficult experience you've been through so far, and how did you get through it?

Pinakamahirap siguro 'yung first time na nabigyan ako ng break ng GMA-7, 'yung Marimar, 'yun 'yung pinakamahirap siyempre, kasi nandoon lahat ng pressure, alam mo 'yon? So kailangang ibigay mo talaga ang best mo. At least, 'di ba, bumunga naman.


Why was it difficult?


Kasi first time ko mabigyan ng big break, tapos title pa siya na Marimar.


We know that negative comments and criticism are a part of showbiz. Do you get affected by them?

Alam mo, siguro nung dati, nung una kong sabak sa showbiz, oo, pero sa four years ko na sa showbiz, alam ko na 'yan, so deadma na lang. 'Di ba? Kasi wala namang mangyayari. 'Tsaka lahat ng artista may negative talaga. Hindi pwedeng wala. Doon umiikot lahat e. At dapat itatak mo sa isip mo na hindi lahat ng tao, mapi-please mo.


How do you handle the people who say bad things about you?

Deadma! 'Wag nang bigyan ng atensyon. Deadma!


Some guys get intimidated by women with strong personalities. What advice can you give to women who feel like they can't get a guy because they have a strong personality?

Ay hindi, naniniwala ako na kung gusto ka ng lalaki, kahit strong pa 'yung personality mo, gagawa at gagawa 'yan ng paraan para makilala ka. Doon ako naniniwala. Kahit sino ka pa, kahit gaano ka pa kataas, as long as gusto ka ng guy, walang hadlang doon e, 'di ba? Go 'yan.


What do you love most about Dingdong Dantes?

Hindi alam ng lahat, pero ngayon actually lumalabas na e, sobrang kalog kasi niya. Nahawa na yata siya sa 'kin. 'Tsaka ano siya e, may paninindigan talaga. 'Pag sinabi niya, ginagawa niya.


What's your secret to keeping the love alive in your relationship?

Siguro 'yung i-enjoy lang namin ang isa't-isa at ang importante, kaming dalawa ang nagkakaintindihan. Naniniwala ako sa kanya at naniniwala siya sa 'kin. 'Tsaka dapat nandoon 'yung love.


What is it like to work with your boyfriend?

Iba kasi siyempre kapag showbiz sa hindi showbiz, pero masarap in a way na kahit pagod ka sa trabaho, basta nandiyan, happy ka, go, sige, kahit puyatan tayo. Pero siyempre may mga consequence din 'yan, katulad ng ako, concerned ako sa kanya, concerned siya sa 'kin, ano ba 'yung suot ko, ano'ng gagawin kong eksena, makakaya ko ba, tutulungan ba niya ako. May gan'on. Hindi naman lahat pwede o lahat okay, pero mas maraming okay.


You and Dingdong started out as friends, right?

Hindi nga e, magkaaway nga kami! Haha! Wala lang. Hindi naman magkaaway, pero dumating lang kasi sa point na, ako, priority ko 'yung trabaho ko at hindi ko naman siya gaanong kakilala; basta ang goal ko lang, magawa ko ng tama si Marimar. Siya, gan'on din siya, so after take, doon siya (points to one side), doon ako (points to the other). Hindi kami nag-uusap. Hanggang Dyesebel, gan'on din kami. Hanggang sa medyo matatapos na 'yung Dyesebel, doon lang kami nagkakilala na, "Ay, mabait naman pala ito e!" So nagsimula kami na purong trabaho. Aminado naman ako na siya ang pinaka-importante sa akin ngayon e.


Selosa ka ba?

Yes (laughs). Yes! Hindi lang sa boyfriend, hindi lang sa girlfriends, lahat! Pero in a nice way naman.


Does Dingdong know?

Alam niya. Alam naman niya, pero joke lang. Cute naman. 'Tsaka wala namang rason din para magselos kasi alam ko 'yung limitation ko, alam niya 'yung limitation niya. May mga bagay lang talaga na hindi maiwasan, na maarte-arte ang mga babae, gan'on din 'yung mga boys 'di ba? Ganon lang.


Of course, in showbiz, you have to be ma-PR. What's your limitation when it comes to that?

Transparent ako e. 'Pag gusto ko, gusto ko. Ganon ako e. Pero hindi ko sinasabing ginagawa ko kahit may masasaktan ako. Sensitive naman ako sa gan'on. Sa showbiz, alam nilang lahat na transparent ako, na kung ano ang nakikita mo, 'yun ako. Mahirap mag-pretend e. Minsan lang, may consequence. Kung gan'on ka, kailangang pangatawanan mo. Bakit ka gan'on? Kung doon ka happy sa pagiging sarili mo, pagiging ikaw, may mga consequence 'yan, 'di ba?


Pero deadma?

Deadma. Pero basta happy at walang nasasagasaan, doon ako.


When you have time for yourself, what do you like to do?

Madalas akong lumabas para kumain. Siyempre, with Dong 'yan. 'Yan ang trip naming dalawa. Talagang nagha-hunting kami ng mga restaurants na masarap. 'Yan ang weakness ko rin, food. Tapos kung pwede, manonood ng sine, magpapa-spa, pero kung walang wala na at timatamad ka talaga, bahay lang, relax lang talaga. Manonood ng TV, DVD, gan'on.


Do you work out together?

Hindi. Hindi ako nagwo-work out e. Talagang hindi. Siguro noong Darna, oo, pero ngayon, hindi. Siya na lang 'yon (laughs).


How do you maintain your figure?

Sabihin na lang natin—hindi e, sa pagkain kasi, to be honest, talaga, kinakain ko talaga lahat ng pagkain. Lahat talaga, hindi ako mapili, pero gusto ko talaga Filipino. Tapos rice. Siguro mabilis lang ang metabolism ko. Sobra, as in. Siguro natutulungan ko, hindi ako sigurado, pero nagte-tea kasi ako after kumain. Hot tea o kaya hot water.


Do you have a way of treating yourself after a job well done?

Meron! Mga girls kasi mahilig mag-shopping, pero may limitation ako. Hindi naman kada-suweldo bibili ka or whatever. Siguro halimbawa after ng soap, 'pagka alam ko na na tapos na, yay, reward naman para sa sarili ko, bibili ako ng bag, gan'on. Bibili ako ng shoes. Ang swerte ko lang kasi nagti-trip kami sa iba't ibang bansa dahil sa concert, so 'yung concert may kasama nang gala, halimbawa, one week kami sa New York, three days lang doon 'yung show, 'di may three days pa ako na pwedeng mag-aliw-aliw.


Of all the places you've been to, which one is your favorite?


Spain. 'Yun, hindi 'yun trip ha. Pumunta talaga ako kay Papa ko.


What are your beauty secrets?

Simple lang. Bago ako matulog, tinatanggal ko 'yung makeup ko, nililinis ko talaga nang bonggang bonga 'yung mukha ko. Toner, moisturizer, tapos 'yun na 'yon. Hindi pwedeng walang moisturizer kahit ano'ng mangyari. Kahit pagod ako, magtatanggal ako ng makeup at magmo-moisturizer ako.


How would you describe your personal style?

Ako kasi 'yung taong naniniwala na hindi mo kailangang sumabay sa uso. As long as kaya kong dalhin 'yung damit, go ako. Kapag hindi ko kaya, hindi ko isusuot 'yan. Kapag kumportable ako at feeling ko naman okay ako, presentable ako, masaya ako sa suot ko, doon ako. Hindi ko kasi kaya 'yung nakikisabay tapos hindi ko kayang dalhin. 'Yung parang naiilang ako. Hindi ko isusuot. Doon ako sa kumportable ako. Flats kaysa sa heels, siguro leggings or pants kaysa skirt or shorts. Pero 'yung sa top, pwede mga spaghetti or tube, okay ako diyan. Basta 'wag lang masyadong, kung naka-expose na 'yung balikat, 'wag na 'yung legs. Kung naka-expose 'yung legs, tago 'yung balikat. Gan'on ako.


Any fashion tips?

Wala e, as long as kaya mong dalhin at ine-enjoy mo 'yung sarili mo at hindi ka naiilang, 'yun! Doon ako.


See behind-the-scenes photos from her cover shoot when you click on this link. Keep an eye out for our online exclusive interview and videos!

Check out the June 2010 issue of Cosmopolitan Philippines to read more about Marian Rivera and Man On Fire Matteo Guidicelli.

Continue reading below ↓