Sorry, no results were found for

15 People On Why They're Voting For Jejomar Binay

Do you agree with their answers?

We asked our Cosmo Facebook followers to comment on this photo album to find out who they’re voting for during the Presidential Elections on May 9, 2016. These are 15 of the hundreds of answers we received from readers voting for VP Jejomar Binay.  


Marami nang nagawa at magagawa pa. Decisive, may puso, at matapang din! Marunong makinig sa hinanaing ng kanyang mamamayan.” - Jeymarhean Ilagan-Reforsado

***

“Binay is the most competent. [He makes] no more promises because you can see the proof. Unlike some candidates [who keep on] bluffing the people [and are] full of lies, he is a talented man as seen in his credentials.” -Cynthia Eufemio

***

Siya lang ang mayor na nagbigay ng libreng edukasyon hindi lang ng taga-Makati ang nakikinabang pati kalapit [na] city rin niya. Nakikita ko yan. From Pateros, Taguig, Pasig, Mandaluyong, Manila ang nag-aaral ng libre (school uniform, shoes, books, school supplies) sa Makati. Pati libreng bigas buwan-buwan. Ibinibigay sa mga estudyante ng Makati kahit hindi sya taga-Makati. Ganyan kami sa Makati. Sabi nga ni Duterte oks daw ang Davao. Oks din kami sa Makati.” – Fephay PV

***

“Vice President Jejomar Binay is a public servant [who] fulfilled the needs of people during his term as a Vice President. He should continue his excellent work in Malacañang to serve all Filipinos.” – John Luigi Ruiz Casin

***

“Binay pa rin because I live here in Makati at nakita ko ang mga nagawa niya. I don’t care about the bad issues na binabato sa kanya kasi nangingibabaw pa rin ang care and love niya sa mga tao dito.” – Timmy Suelto

***

Napakaganda ng nagawa niya sa Makati. At nasaksihan ko yun dahil halos sa Makati ako lumaki. Madaming benepisyo ang ipinagkakaloob sa Makati—libreng pagpapaaral sa eskwela, libreng kagamitan sa eskwela, libreng gamot sa mga may karamdaman, libreng cake sa mga senior citizen, mababang singil sa mga ospital, at marami pang iba. Isa si Binay sa nakitaan kong mahusay sa pamumuno. Napaka-down to earth niyang tao. Simple, di maarte, at maka-Diyos. Napaganda niya ang Makati dahil sa angking talino at husay sa pamumuno. Kaya kay Binay pa din ako.” – Jeric Semilla Jarabejo

***

“He is the best one to represent our Catholic culture. The rest are bent on self-righteous hypocritical governance with a tendency of being an autocrat.” – Benjie Guevarra

***

Sinasabin nila magnanakaw daw pero yung mga nakukuha o ninakaw niya ay itinutulong din niya sa nasasakupan niya, hindi niya ibinubulsa lahat. Kahit naman sino diyan magnanakaw at magnanakaw pa din.” – Joel Cureg Licco

***

Dahil siya lang ang may concrete agenda na sasagot sa pangangailangan ng Pilipinas. Very visible ang mga nagawa niya as [a] politician. He knows what we need.” – Ric Harrish Delos Santos

***

“Not unless proven guilty, VP Binay is still innocent. Let’s give him the benefit of the doubt. Sino ba ang hindi naging corrupt? Sino ang hindi nagnakaw sa kaban ng bayan? Di kaya nalamangan lang sila kaya puro sila satsat?” – Ruth Corpuz Pronto

***

Para sa akin, si Binay, marami na siyang natulungan na mga tao. Tulad ng mga taong mahihirap, mga kapuspalad.” – Dang V. Rosbago

***

Alam kong kaya niya na pamunuan ang bansa. Na-frame up lang po siya at hindi ako maniniwalang corrupt siya. I support Binay.” – Earl Avila

***

Lahat naman ng pulitiko nangungurakot. Pero depende na lang yan sa mga pulitiko kung paano nila bibigyan ng serbisyo yung mga mamayanan nila. Kahit sabihin na kurakot si Binay, marami naman siyang proyekto sa Makati na ginagaya ng iba pero di magaya.” – Ghel Tabor

***

Dapat po siyang maging presidente dahil madami na siyang mahihirap na napa-aral sa Makati.” – Leanne Grace Garcia

***

Kahit sino sa kanilang manalo, kurap din mga yun. Binay lang kami, marunong lumingon sa pinanggalingan niya.” – Dina Limombong

***

* Minor edits have been made the Cosmo.ph editors for brevity and cohesion.