Sorry, no results were found for

Angelica In Spoken Word Performance: 'Bakit lagi akong iniiwan?'

Anyone who's going through heartbreak should read this, stat.
PHOTO: Youtube/Allan Diones

It's no secret that Angelica Panganiban has been dealing with heartbreak these past months. Without ever mentioning her controversial ex's namewho's rumored to be John Lloyd Cruzthe Kapamilya actress has publicly opened up about struggling with the breakup.

Over the weekend, Angelica was a surprise guest during singer-songwriter Moira dela Torre's concert where she emotionally performed spoken word poetry alluding to an end of a relationship.

Read the transcript of her emotional performance below:

"Bakit ba lagi akong iniiwan? Bakit lagi akong nasasaktan? Bakit kaya lagi na lang umiiyak? Lagi na lang masakit?

"Aabot ka doon sa mauubusan ka na ng mga 'bakit,' mauubusan ng sigla, ng gana. Pu-puwede ka pala nilang tapusin, pu-puwede ka palang mamatay. At kapag doon, nakabaon ka na sa sobrang kalungkutan, doon ka na babangon.

"Sa sarili ka lang kakapit, sa sarili ka maniniwala't magtitiwala. Sa sarili ka muna magsisimula. Pag buo mo na ang lahat ng nasira sa 'yo, at dahan-dahan, doon mo tatapusin ang mahirapan, doon mo tatapusin ang maawa sa sarili, doon ka na lalaban, doon mo iiwan ang pagiging duwag. Iwan mo sa mga naging duwag na mahalin ka.

"At dahan-dahan, mapapalitan ang lahat ng 'bakit' ng pasasalamat. Maiisip mo, ibabalik ng tadhana ang lahat ng nakalaan para sa 'yo, at dahan-dahan, mararamdaman mong muling mabuhay sa bagong liwanag ng ikaw, na ikaw lang ang bumuo.

"Makikita mong hinahanda ka lang pala ng Bathala para sa nakatadhana, para sa mas matibay na ikaw, mas matapang, para sa bagong buhay, bagong pagmamahal, at bagong ikaw."

[h/t: ABS-CBN]