Girl Talk With Hot Beauty Queen VENUS RAJ

The newest anchor on Umagang Kay Ganda shares her thoughts on beauty, fitness, and finding love.

Miss Universe fourth runner-up Venus Raj is every bit the Cosmo chick--fun and fearless. We've seen her fearlessness when she fought for her Bb. Pilipinas-Universe crown, which was briefly taken from her due to a technicality. We're sure glad she was able to get it back--she made us, her fellow Pinoys, proud when she placed fourth runner-up at the recent Miss Universe pageant.

Now, we have the chance to get a daily dose of her fun side, as she joins ABS-CBN morning show Umagang Kay Ganda's roster of anchors. At the media conference for UKG's new and improved format, Cosmo caught up with Venus to talk about how she stays pretty, even with such an early call time. We know she's still learning the ropes of hosting, but we're sure that with her go-getter Cosmo chick 'tude, and with the help of her very supportive colleagues, she'll be so good at it in no time. Find out what beauty, fitness, and love lessons we picked up from this feisty beauty when we got to chat with her at ABS-CBN. Click on "View Gallery" to check out her gorgeous photos from the media event.

Tell us about your skin care and beauty regimen.

Before I sleep, hugas ng mukha, toner, and then moisturizer. 'Yun lang. I make sure lang talaga na malinis 'yung mukha ko, na walang natitira-tirang makeup. And then, after matulog, ligo lang. (Laughs.) Tapos 'yun din ulit, kung ano 'yung nilalagay ko, like, toner ulit, and then moisturizer, and then makeup na. Ganun lang. Sa ngayon kasi, medyo manipis lang na makeup daw [ang dapat ilagay] 'pag umaga. So, konti lang naman 'yung nilalagay [ko].

Do you do your own makeup for UKG?

Yes.

Wow! We're officially kicking off summer in Cosmo, so could you share some summer beauty tips with our readers?

Karamihan, lalabas at pupunta ng beach, siyempre 'wag n'yong kalimutan ang sunblock. And siguro kung maglalagay sila ng makeup, manipis lang. Kasi, baka naman malusaw at matunaw lang ang kanilang mga ilalagay na bonggang bonggang makeup sa kanilang mga mukha. And, of course, lotion and moisturizer. Moisturize lang nang moisturize, ganun lang 'yun e. Kahit may dead skin ka, 'pag magpa-spa ka naman, 'pag nagpa-body scrub ka, matatanggal na lang 'yan. So, moisturize lang nang moisturize. And siguro 'yung mga kakainin din nila. Nandun din 'yun e. Like, eat a lot of fruits and drink a lot of water. Sobrang importante ang tubig sa pag-moisturize ng katawan.

You have such a great figure. How do you stay fit?

Well, I run. Ngayon hindi na araw-araw kasi may morning show ako. Dati, [from] 5AM to 6AM, tumatakbo ako sa UP. Ngayon, dahil meron akong morning show, every Saturday and Sunday na lang.

How's your love life?

Hindi naman ako nagmamadali. Naniniwala ako na kung bibigyan ka ni Lord ng partner, ibibigay at ibibigay Niya 'yun kahit hindi mo hingin, kahit hindi mo hanapin. So ako, hihintayin ko lang kung sino 'yung right guy para sa'kin. Kasi, mahirap kung [iisipin kong] "O sige, oo, mag-boyfriend ka nang mag-boyfriend habang bata ka pa." Pero mahirap kasi na na-share mo na 'yung sarili mo, 'yung buhay mo, meron na kayong connection tapos magbre-break lang kayo. Kasi iisipin mo [in the end], "Ay, you're not the right guy for me," or sasabihin niya na "You're not the right woman for me." Parang napakasayang lang. Sayang lang 'yung napundar n'yo.

What qualities do you look for in a guy?

Well, ako naman basta't mahal ako at mahal ko rin, okay lang 'yan. Pero of course, kailangan God-fearing naman, kailangan believer, hindi magkahiwalay 'yung paniniwala namin. Ayoko kasi 'yung ako, Christian tapos ganito 'yung pinaniniwalaan ko, tapos [siya], kokontrahin nang kokontrahin 'yung paniniwala ko, ayoko niyan.

How about when it comes to physical characteristics, what attracts you most?


Kahit ano! 'Wag naman 'yung ano... (Laughs.) I mean, siguro 'yung normal lang na itsura. Ano lang, normal lang!


Launch the gallery to view photos of Venus and her Umagang Kay Ganda co-hosts.

Continue reading below ↓
966
Sorry, no results were found for