Charice Pempengco: The International Star

Our homegrown singing sensation and Fun Fearless Female Awardee is taking foreign shores by storm. She tells us all about the ups and downs of fame.

With reports from Sam Echavez

Charice Pempengco is surfing the airwaves all over the world with her very first international single, "Pyramid." But even before finally breaking into the mainstream, she has already received recognition from big name media stars like Ellen DeGeneres and Oprah Winfrey. At the age of 16, she sang a duet with her idol, Celine Dion, who expressed so much admiration for her. At 18, Charice is living the dream, and she's only just begun. (Fun trivia: Did you also know that the May issue of Total Girl, Cosmopolitan Philippines' little sister magazine, with Charice on the cover has been picked up by international showbiz site, Just Jared?)

Her life in the limelight has not been without its ups and downs, though, and Charice tells us all about them.


You're just 18 and you've already accomplished so much. What else do you want to do?

Sa ngayon po, gusto ko na lang po munang ipagpatuloy ang ginagawa ko. Siyempre nakakapagod po, pero gusto ko po talagang mag-focus muna sa mga ginagawa ko bago ko dagdagan.


What do you think got you to where you are today?

'Yung gift po ni God, kasi na-discover ako sa YouTube, may nag-post ng video ko, and na-discover nila ako kasi parang kino-compare nila ako kay Whitney Houston, so siguro pasalamat na lang ako sa talent na binigay ni God. Hindi ko pa naaabot 'yung top, pero siguro narating ko ang mga nararating ko ngayon kasi mas nagpapalakas sa akin ang mga negative na naririnig ko. Lagi ko nga po sinasabi, kung iinisin nila ako, parang iinisin ko rin sila (laughs). Parang, "O sige, ipagpapatuloy ko ang ginagawa ko as long as may mas maraming may gusto."


What are these "negative" things? Comments?

Opo. Tanggap ko naman. Siyempre sasabihin nila 'di daw ako deserving, masasakit magsalita. Sasabihin pangit daw ako. Bakit daw ako nadiscover, birit lang daw ako nang birit, gan'on. So madami po talaga. Diyos ko! 'Yung iba pa po sobrang sakit magsalita.


Was there ever a time that you cried over what has been said about you?

Hay naku sobra, nung talagang nag-uumpisa pa lang, ang dami po talaga. Napaiyak ako, pero na-realize ko rin na may mga fans na sumusuporta sa akin, sila pa 'yung nag-explain. "Mga inggit lang 'yon," so siyempre, sa kaka-advise nila sa akin, nasanay na po ako.


What inspires you?

Una sa lahat talaga si God. 'Yung mom ko, kasi kahit saan ako pumunta, talagang kasama ko siya. Siyempre, 'yung fans na sumusuporta talaga. Isa 'yon sa mga talagang inspirasyon ko kasi hindi lang sa pagkanta, para ko na rin silang mga kabarkada.


Of all the women you've worked with in Hollywood, who inspires you?

Siyempre si Celine Dion. Sa tagal niya sa showbiz, wala talagang issue sa kanya.

Pero nagulat talaga ako kay Paris Hilton. Kasi 'di ba parang ang tingin natin sa kanya medyo bad girl, gan'on. Nung na-meet ko siya, hindi ko ine-expect na gan'on siya ka-simple. I mean, sa pananamit niya hindi siya simple. 'Yung mga kilos niya, ang simple-simple 'pag off-cam. Nung time na nakita niya ako, nagpa-picture siya sa 'kin dahil nakita daw niya ako sa Oprah. Naninigas talaga ako, 'di ko in-expect na sobrang bait pala niya, na nakipag-hang out pa siya sa amin, nagkukuwento siya. Nagjo-joke pa siya na hindi raw siya masama, hindi raw siya bad, gan'on. Na-inspire ako sa kanya, doon ko napatunayan na nag-a-act lang pala siya sa harap ng camera. Mabait pala siya.

Hindi ko pa siya nami-meet pero isa siya sa mga inspirasyon ko, si Beyonce, isa 'yon sa mga legend talaga. 'Yun po, sila pong tatlo.


What was it like to share the stage with Celine Dion?

Naku, ate (laughs)! Nung backstage pa lang, doon niya ako pina-stay sa dressing room niya tapos kinukuwento niya sa 'kin, pinakita niya sa akin lahat ng makeup niya, 'yung mga makeup daw niya, mula daw 19 years old siya hanggang ngayon 'yun pa rin 'yung gamit niya! Tapos nung time na nasa stage na kami, hindi ko makita, pero nanginginig talaga 'yung tuhod ko! As in talagang, giniginaw na ako, kinabahan pa ako, hindi ko alam kung ano 'yung gagawin ko, pero nag-start na 'yung song, nakalimutan ko na lahat. Nung nagsigawan na 'yung tao, biglang sabi ko, "Okay, kailangan kong gawin 'yung best ko kasi once in a lifetime lang 'to."

Tinapos ko pa po 'yung concert bago ko siya ulit nakausap. Naiyak siya, niyakap niya ako, sinabi niya nakikita daw niya 'yung sarili niya sa akin.


Natatakot ka ba na malalaos ka one day?

Actually, hindi naman po ako takot kung mawala man po. Handa naman po ako. 'Yung pinasok ko po ngayon, hindi po ako nag-e-expect na magtatagal po talaga ako. Hindi ako nag-e-expect too much. Lagi kong iniisip na nag-uumpisa lang ako. Habang nandito ako, nag-iipon ako nang nag-iipon. Ayoko man isipin, pero posibleng mangyari, kaya habang nandito pa, habang mainit pa, nag-iipon ako.


How do you inspire women? What do you think women see in you that inspires them?

Siguro 'yung tiyaga. Kasi kung napanood man nila talaga 'yung life story ko, parang hindi nila mai-imagine kung bakit hanggang ngayon ang tibay-tibay ko. Biruin niyo, four years old pa lang ako, iniwan na kami ng Dad ko. Ang saklap pa talaga ng nangyari sa amin noon, nung naghiwalay sila. Nag-singing contest ako, sobrang hirap. Nakaranas kami na talagang lumipat kami na wala kaming dala kundi damit lang at 'yung radyo ko na napanalunan.


What's your favorite activity aside from singing?

Mahilig po ako mag-record-record, mag-cover ng songs, pero hindi ko shine-share kasi nahihiya ako.


Any advice you want to tell our readers?

Kailangan lang talaga 'yung tiyaga sa life. Mostly ang problema ng mga tao, nawawalan sila ng pag-asa. May ibang tao na gusto nila agad-agad. Hindi gan'on kadali.


What makes you fun and what makes you fearless?

Siyempre 'yung trabaho ko po. 'Yung ginagawa ko po, rine-represent ko po 'yung Philippines. 'Yung masuklian ko lang 'yung mga Pinoy na nakikita ko sa ibang bansa, na proud sila sa akin, na parang nakikilala 'yung Philippines dahil sa akin (at kay Sir Manny Pacquiao). Nawawala ang takot ko na kahit ano'ng sabihin ng ibang tao na hindi ko kaya, ganyan, as long as maraming nagmamahal sa akin.

Continue reading below ↓
463
Sorry, no results were found for