Sorry, no results were found for

Cosmo Online Hunk Johan Santos: Idol Incognito

We're officially kicking off Celebrity Month in Cosmo by turning this cute PBB Housemate into a paparazzi-ready Hollywood hunk, all December long!

Let's all welcome December with a bang, Cosmo chicks! Not only is this month special for us because of the holidays, it also happens to be another fab month since it would be all about, wait for it, CELEBRITIES! We're bringing you everything fabulous and red carpet-ready, all month long! So to start off your uber-glamorous month, we're giving you the first installment of your weekly dose of this hot celebrity online hunk, as promised: Johan Santos.

Before joining and being known in PBB Double Up, this hardworking restaurant server and HRM student had pretty simple goals: to finish his HRM degree and then get a job abroad to earn for his family. But he had other, bigger dreams, too. As he was growing up, he wanted to know what it would be like to appear in movies or on TV. What set him aside from other dreamers is he dared to reach for this dream.

Johan's first stint on TV was back in 2005, when he became part of GMA-7's talent search Starstruck. Still, his claim to fame was his being part of ABS-CBN's Pinoy Big Brother: Double Up, where he placed fourth among 26 housemates. Just like his fellow housemates who became instant celebrities (including Fun Fearless Female Awardee Melai Cantiveros, Cosmo's October Man On Fire Tom Rodriguez, 2010 Cosmo Bachelors Paul Jake Castillo and Hermes Bautista), he suddenly found himself in the spotlight, with fans screaming his name, asking for photo-ops and autographs.

His acting career seems to be taking off, too. This year alone, Johan appeared in a couple of TV shows: Your Song Presents: Isla and Kokey@Ako. His portrayal in Precious Hearts Romance Presents: Love Me Again even scored him the "Best New Male TV Personality" in the 2010 PMPC Star Awards.

We know that being a celebrity has a lot of perks. But it has a downside, too: they have to give up their privacy, making it hard for them to do things normal people can freely do (i.e. walk leisurely around a mall without a fan asking you for a photograph). So on his first week as Cosmo Online Hunk, we dressed Johan as a celeb in disguise, taking a break from the limelight, taking time to explore a bright, modern locale. Get to know more about Johan, as he talks about the perks and challenges that come with being a celebrity, in Cosmo's exclusive one-on-one interview.


Before you joined PBB, what was your biggest goal in life?

[I wanted to] finish my studies. 'Yun lang. I wanted to finish my studies and [then] work abroad. HRM student ako and nagbe-bake kami, nagluluto kami. So, [ginagawa ko lang] 'yung mga usually ginagawa ng HRM students. Kasi may uncle ako sa crew ship, sabi niya [sa akin], "Kung gusto mo rin mag-abroad, mag-HRM ka, mas matutulungan kita pumunta abroad."

Why did you join PBB?

[Naisip ko dati pa,] "Uy, parang masarap sumali diyan, bakit 'di ko kaya subukan?" Pero ang nangyari dun, nag-audition ako in another talent search, dun ako unang nakuha. And then, nag-stop ako dun and bumalik ako ng school. And then 'tong PBB [season] naman na 'to, parang trip ko lang na subukan, wala namang mawawala 'di ba? Hanggang sa natanggap ako nang natanggap sa auditions, ayun, swerte na nakapasok na lang. Parang meant to be lang siguro. (Laughs.)

Have you ever dreamed of becoming an actor?

Yeah, ever since [I was younger]. Kasi kapag nanonood ako ng movie, iniisip ko kung ano kayang itsura [ko] kung ako 'yung nandoon. Parang, ano kayang itsura ko 'pag pinapanood ko 'yung sarili ko sa TV? And 'yung ginagawa nila, sabi ko, "Siguro kaya ko ring gawin 'yun." Parang gusto ko silang gayahin. So [naisip kong] siguro gusto ko nga na maging isang movie actor someday, kaya pinasok ko talaga 'yung pag-aartista.

How did your life change after PBB?

Maraming pagbabago talaga. Hindi ka na pwedeng pumunta sa ganito na ganito [lang] ang itsura mo. Siyempre, you need to look good sa mata ng tao na nakakakilala sa'yo. Dati, naglalaro lang ako ng basketball sa kalye. Ngayon, hindi na 'ko makapaglaro ng basketball sa kalye, although nakakalabas pa rin ako. Lumalabas pa rin ako, naglalakad ako sa daan, pero siyempre hindi naman [puwede] 'yung mukha [akong] dugyot. Dapat medyo presentable 'yung dating mo 'di ba?

In terms of pagbabago [pagdating] sa responsibilities ko, mas malaki ang gastos ko ngayon! (Laughs.) Kasi siyempre 'di ba? Kapag marami kang kinikita, marami rin ang gastos mo! Ganun 'yun e. Pero medyo nakakapag-save naman ako ng money para sa'kin at sana nga makapag-save pa 'ko nang makapag-save para mabili ko 'yung [mga bagay na] gusto ko--bahay o kaya kotse na para sa'kin. Ayun ['yung] mga ilang pagbabago.

How did it feel when you suddenly had a lot of fans as soon as you got out of the PBB house?

[It felt] flattering. Shocked kami. Kasi nasa loob kami, inside the house, iniisip namin kung may nanonood ba sa'min. Although [alam namin na] may mga camera, iniisip namin, natutuwa ba 'yung tao sa'min o pinapanood ba kami ng tao? So nung tumagal-tagal, [habang nasa loob pa kami ng bahay], may mga tumatawag ng mga pangalan namin sa labas, kasi naririnig din namin minsan kapag sumisigaw sila. Parang "Uy, may nakakakilala sa'min!" Pero nagulat kami nung paglabas talaga [ng bahay]. Sobrang dumog talaga ['yung mga tao] "Ay ganito! Ganyan! Pa-picture! Autograph!" Nagulat talaga kami. Hindi namin expected na ganun.

What's the craziest thing a fan did to get your attention?

Merong time na natawa ako e. May isang fan na hindi ko [masyado] matandaan pero parang na-feel ko sa kanya, parang sinasamba ka niya, parang ganun. (Laughs.) Parang nagpa-panic siya, natataranta. Ewan ko kung nakakita ba siya ng multo o ano. Basta parang nag-panic siya. Parang feeling niya [ata] lumilindol nung panahon na 'yun. Tapos gustong magpa-picture, gustong magpa-autograph, tapos gusto niya ng kiss, lahat hinihingi niya! (Laughs.) Parang sa Bacolod or Davao ata 'yun, sa isang hotel.

How does that make you feel?

Parang, "Uy may ganito palang tao, na na-appreciate ako [while I was] inside the house, na natutuwa sa'kin [kasi] napasaya ko siya ng ganun. Sobrang nakakatuwa talaga 'yung taong 'yun.

Does it make you more confident somehow?

Oo naman, kasi [halimbawa] sa mga audition, naiisip ko na, "Uy kailangan galingan ko, hindi lang para sa sarili ko kundi para din sa mga taong sumuporta sa'kin." Kumbaga, nakakadagdag talaga [sila] ng confidence, kasi laging chini-cheer ka nila, makakatanggap ka pa ng mga message sa Facebook, [o kaya] e-mails. So, nakakatuwa talaga, nakakadagdag talaga [ng confidence], na minsan [kahit] kinakabahan ka, [maiisip mong] gawin mo 'yan para sa kanila. 'Yun ang nakakatuwa dun.

What's the best part of being a celebrity?

Best part? You earn big? (Laughs.) Hindi, hindi joke! The best part of being a celebrity is... marami kang ma-e-encourage na 'tao. Kapag kilala ka, mas mabilis silang mag-trust sa'yo kasi alam nila na hindi mo sisirain 'yung trust na binigay nila sa'yo, kasi may pangalan ka or kilala ka, 'di ba? Parang if ever na may ginawa man kami na masama, 'di ba parang negative issue kaagad sa'min 'yun? So kami, 'pag humingi kami ng pabor sa isang tao or company, siguro mas madali lang siguro sa'min para makakuha ka ng favors sa kanila.

And what's the worst part?

The worst part is... maraming issue. Lahat ng kilos mo binabantayan o sinisita ng ibang tao. 'Pag may magawa kang masama o magalit ka, iisipin nila na pangit o masama ang ugali mo. Kumbaga, lahat naman ng tao may negative side naman, 'di ba? So sa amin, sa isang artista, kapag ginawa niya 'yung ganitong bagay, [madaling] ma-misinterpret [ng mga tao kahit] na hindi nila alam bakit ako nagalit, kung bakit ko ginawa 'to. Parang hindi nila [kami] minsan maintindihan, or akala nila perpekto kami, na hindi kami nagkakamali. So 'yun, 'yun siguro 'yung disadvantage.

What do you think is the biggest misconception people have about you?

Me? Suplado [raw ako]. Hindi naman ako suplado, tahimik lang, shy lang. Hindi ako suplado. Maraming nagsasabi na "Suplado naman niyan!" Actually, jolly person naman talaga ako e. (Smiles.) Kasi 'pag hindi [ko] naman kakilala 'yung tao, hindi [ko] naman pwedeng [batiin agad na], "Huy, artista 'ko! Kilala mo 'ko?!" Hindi naman ganun 'di ba? Siyempre minsan nahihiya ako na kausapin 'yung tao na hindi ko naman kilala. Minsan nga kahit gusto kong lapitan, parang [nahihiya] akong lapitan din. Kasi baka ma-offend or something. Actually natatakot akong maka-offend ng tao. Kaya medyo shy ako sa mga tao. Hindi. Ako. Suplado. Period. (Laughs.)

Tell us something most people don't know about you.

Ako, matampuhin. Normal ba sa tao 'yung ganun? Ewan ko kung oversensitive ba 'yung ganun. [Kasi sa akin,] may mga simpleng bagay na kapag sinabihan ka ng maganda, matutuwa ka na. And meron ding mga simpleng bagay na kahit pabiro, parang mao-offend ka. Ewan ko kung normal ba sa tao 'yun. Ako kasi hindi ako masyadong masalitang tao, na sinasabi agad kung ano 'yung nararamdaman ko o ano 'yung gusto ko sa'yo. Malalaman mo 'yun 'pag tumagal na talaga. Kumbaga, may bonding muna talaga bago mo malaman kung ano 'yung gusto ko, kung ano 'yung ayaw ko, kung ano 'yung gusto ko sa'yo. So hindi ako 'yung tipo ng tao na 'pag nakausap mo na 'ko, kilala mo na 'ko. No, hindi ganun. So, ewan ko kung napapansin ng ibang tao na minsan, sensitive nga talaga [ako].

How do you show your tampo?

[I] walk out. (Laughs.) Or hindi kita papansinin. Kung tahimik na 'ko, mas lalong hindi kita kakausapin! (Laughs.)  

Who are the celebrities you look up to?

Angel Locsin! [Also] John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, 'yung actors na magagaling talaga, ayan. Coco Martin is good. Also, mabait and approachable sila. Si John Lloyd, nakakatuwa siya, kahit ganun (holds his hand up) na siya, kakausapin ka niya, papansinin ka niya. Jake Cuenca is good also.

What are the most valuable lessons you learned since you entered PBB?

Number one is trust. Dapat kilalanin mo kung sino 'yung mga taong pagkakatiwalaan mo talaga. And mahirap din talaga magtiwala nang basta-basta. Kumbaga, may mga--hindi ko naman sinasabing lahat ha--pero kasi, minsan, may mga taong hindi totoo. I'm sorry, pero minsan may mga [tao] talaga na kunwari okay ka [sa kanila], pero minsan sinisiraan ka. Mas okay na sabihin nang harapan na lang na "You're not good" or "You need to practice more." Mas okay na 'yung sabihin, at least para ma-encourage [and] mabigyan siya ng pointers na ganito 'yung kailangan gawin. Hindi 'yung ['pag nakaharap] sa ibang tao, sinisiraan siya. Pangit naman 'yun 'di ba? Mas okay na siguro 'yung straightforward ka na sabihin mo na lang kung ano 'yung gusto mo. Pero in a good way naman, 'di ba? Mas maganda 'yung ganun para at least makikilala mo rin 'yung tao. So, ayun, [be careful who you] trust and maging honest ka na lang.


Watch for more photos of Johan next Wednesday!


Shot on location at Newport Mall in Resorts World
Special thanks to Tinay Magtira and Karen Sta. Maria of Megaworld

Styling by Kabbie Rodriguez
Makeup by Telay Robles
Special thanks to Allan Altera

Continue reading below ↓
841