Sorry, no results were found for

Cosmo Online Hunk Johan Santos: Sexy Showbiz Stud

Is it really easier for celeb heartthrobs to meet girls? This month's featured hottie divulges the answer to this question--among other juicy stuff!

For most celebs, going from regular guy to TV heartthrob really changes a lot of things. And yes, that includes their dating life. While some of us might quickly assume that it's easier for them to pick up girls and go out with whomever they please, that isn't always true. This is what we found out on the second part of our exclusive one-on-one with Johan Santos, this month's Cosmo Online Hunk.

Last week, we tried to scratch the surface of Johan, asking him about his life as a celebrity. This time, allow us to dig a little deeper. We got Johan to dish what it takes to catch his fancy, what it's like for him to meet girls with his new-found popularity, and what he, just like every other regular guy, would do to get a girl's attention. Of course, in line with our celebrity theme for December, we dressed Johan as a poster-worthy matinee idol--with a sexy, Cosmo-tized flair. Check out his hot photos when you view this week's gallery!

What's your relationship status?


[I'm] single.

Are you dating anyone?

Marami akong friends na girls na nakakasama. And... oo, siguro you can call it "dating" din. [We would usually] watch a movie or kumakain [kami]. Usually kain, kasi malakas akong kumain e.

Describe your ideal girl.


Sa totoo [lang], mahirap maghanap ng
ideal girl. Kumbaga, 'pag dumating 'yung [babaeng gusto mo], 'yun na e. Hindi mo na sasabihing [dapat] matangkad, maganda, or sexy. Pero kung ideal girl, mahilig ako sa maputi. Or kung hindi maputi, malinis sa katawan. And medyo chinita-looking, maganda 'yung mata. Kasi mahilig akong tumingin sa mata. And nice smile, siyempre, and masarap kasama. 'Yun lang naman e. Hindi  naman kailangan na lahat-lahat na nasa kanya e. Alam kong may mga bad [side] din naman talaga [lahat]. Hindi lahat ng tao perpekto. [Basta] kung ano 'yung wala sa'kin ay sana meron sa kanya, para ma-adapt ko rin 'yun. Kung ano 'yung wala sa kanya, sana meron sa'kin para ma-adapt niya rin 'yun. So parang ganun, palitan.

What turns you off in a girl?


[Ayaw ko ng] masungit 'tsaka maarte. Oo [lahat ng babae may kanya-kanyang arte] pero masarap [kasama] 'yung babaeng cowboy, ['yung kahit saan] pwede mong dalhin. Kumbaga, may arte side siya, pero gagawin niya pa rin 'yung [isang bagay]. Basta 'yung ready sa lahat. Maarte naman talaga ang mga babae, pero hindi maarteng nakakainis.

Describe how you court a girl.

Torpe. (Laughs.) Hindi ko alam e. Actually hindi ko alam kung paano 'yung magiging style 'pag manliligaw na. Usually, aayain mo na makipag-date, 'di ba? Or start a conversation. Basta 'pag nagiging interesado na 'ko dun sa tao, gusto ko na lagi siyang kasama o 'yung gusto ko na ako lang 'yung laging nagpapatawa [sa kanya]. Crazy in love na siguro ako 'pag manliligaw na talaga ako nang todo or 'yung tipong pinapakita [at] pinagmamayabang [ko] na sa lahat na nililigawan ko siya.

Is it easier to meet and date girls now that you're a celebrity?


Parang mas mahirap ngayong nasa
showbiz [na ako]. Lalo na 'pag non-showbiz ['yung girl] or typical [girl], kunwari estudyante or mga babae na nasa gimik. Sasabihin, "Babaero naman 'yan. Artista 'yan, [kaya] babaero 'yan, ang daming babae niyan." Kumbaga mas mabilis silang mag-judge sa'yo. Pero 'yung mga taong nakakakilala sa'yo, [sasabihin lang nilang] "Uy, artista ka na!" Parang nagbibiro lang sila. Pero kapag hindi ka kilala, na-mi-misjudge ka kaagad. Kaya parang mas mahirap [ngayon] kumpara sa dati na okay lang kahit sino i-date mo or ligawan mo, kasi wala namang sisira sa'yo, na magbla-blind item sa'yo. Pero sa totoo lang, mas madaling lumalapit sa'yo 'yung girl kasi mas kilala ka, 'di ba? Pero mahirap manligaw.

Do you prefer to date showbiz or non-showbiz girls?


Hindi ko alam e. [Mas gusto ko kung] showbiz siguro kasi mas naiintindihan ka, kung ano 'yung ginagawa mo. Pero okay lang naman kung non-showbiz, as long as naiintindihan ka rin niya. Kung maintindihan ka niya sa lahat ng ginagawa mo, and maiintindihan mo siya, wala naman masama siguro kung non-showbiz o showbiz siya.

Let's say you're in a crowded bar or party. What would make a woman stand out for you?

Siyempre, 'yung sexy! (Laughs.) [And has a] pretty face. Siyempre, kapag nakita mo 'yung maganda niyang mukha, maganda niyang mata, at nice smile niya, dun mo talaga makikitang mag-stand out 'yung isang babae. And kapag siguro nakita ko na 'yung ganun, siyempre gusto ko na siyang lapitan. Siyempre nakita ko na 'yung mukha, nice smile, nandun lahat ng gusto ko sa isang ideal girl, lalapitan ko talaga siya, 'di ba? Pero siguro physical naman kasi 'yung makikita mo kaagad e. Hindi mo naman makikilala kaagad 'yung tao sa ganun e.

How do you approach a girl you like?

Usually naka-smile lang naman ako, 'di ba? Depende na lang kung may isang taong mag-akay sa akin na ipakilala ako doon, mas madadagdagan 'yung [lakas ng loob ko na magsabing] "Hi, I'm ganito." 'Yun 'yung turning point na makikilala mo na siya kasi siyempre may nag-akay na sa 'yo. Siguro I'll just introduce myself, pero hindi naman kailangang magyabang 'di ba? Parang, [I'll] ask her na lang kung ano 'yung ma-e-enjoy niya. Kung kailangan niya ng kasama or gusto niyang makipag-lasingan... (Laughs.) [Sasabihin ko lang na,] "Gusto mong makipag-lasingan? Samahan kita!" Parang kung ano 'yung ma-o-offer mo [para] maging okay 'yung gabi niyo.

Tell us one thing you wish to understand about women.

Magulo kasi isip minsan ng babae. Minsan, mabilis silang mag-change ng isip, pabago-bago. Minsan gusto nila 'to, minsan ayaw. Sala sa init, sala sa lamig. Hot and cold. Pero normal yata talaga sa babae 'yung ganun e. Ayun siguro. Minsan hindi lang maintindihan 'yung mga babae.


Watch for the rest of the interview and more photos of Johan next Wednesday!


Shot on location at Newport Mall in Resorts World
Special thanks to Tinay Magtira and Karen Sta. Maria of Megaworld

Styling by Kabbie Rodriguez
Makeup by Telay Robles
Special thanks to Allan Altera

Continue reading below ↓
864