Cosmo Online Hunk Rodjun Cruz: The Dapperly Dressed Boyfriend

On his third week as our featured hottie, we're turning this actor into your dream boyfriend--a totally fashionable one.

It would be weird if your guy knows more about trends than you do--and weirder if he actually follows them. But wouldn't it be so nice if he actually makes the extra effort to look nice all the time? So for Fashion Month, we'll give you visuals for that fantasy fasyon boyfriend through our November Cosmo Online Hunk Rodjun Cruz.

As a celebrity, Rodjun is expected to look his best all the time, although when we asked him about his personal style, he admitted that "Simple lang ako, gusto ko casual lang. Sanay ako na [magsuot ng] jeans, shirt, tapos minsan polo, long sleeves, jacket."

So, say you are the lucky girl who has this cute ABS-CBN and TV5 actor for a boyfriend, how would he fare in the fashion department? Click through his third batch of photos to see for yourself, and get to know how he is overall as a boyfriend when you read through the following interview.


Do you have a girlfriend now?

[Yes.] Si Diane Medina. Lumalabas din siya [sa TV, at nasa] showbiz din siya.

How long have you been with Diane?
Two years and three months.

Is that your longest relationship so far?
'Yun na 'yung pinakamatagal.

Do you go shopping with her?
Sumasama ako, pero minsan [lang], hindi palagi. Kasi 'pag nagsa-shopping siya, parang iniikot 'yung buong mall. Dati sumasama ako, pero sinasabihan ko siya na "'Wag masyado ha." Dati kasi nung sumama ako, lahat inikot e, sinukat niya lahat ng sapatos, tapos ako nakaupo lang. Sabi ko next time hindi na 'ko sasama 'pag matagal.

How many girlfriends have you had so far?
Uh, 'yung serious talaga, dalawa. May mga fling-fling, pero bata pa 'ko nun e. Kaya dalawa lang ['yung seryoso].
 
How young were you when you had your first girlfriend or fling?
'Yung mga fling kasi siguro nung 16 [ako]. Nag-girlfriend ako [na seryoso] bago [ako] mag-18. Pero ngayon talaga sobrang serious na 'ko.
 
How do you know when you’re in love?
'Pag may butterflies. (Laughs.) Hindi, loko lang. Para sa'kin, 'pag in love ka, 'pag gising mo sa umaga siya 'yung naiisip mo, tapos bago ka matulog siya pa rin naiisip mo. (Laughs.)

At what stage in a relationship do you think it’s appropriate to have sex?
Siguro 'pag kinasal na talaga. And siyempre 'yung serious kayo sa isa't isa, 'tsaka 'yung mahal n'yo 'yung isa’t isa--na kahit ano mang mangyari, paninindigan n'yo talaga.

Do you think that a one night stand can turn into a relationship?
Siguro possible sa iba pero parang mahirap 'yun kasi hindi mo pa kilala 'yung person na 'yun. Tapos siyempre, wala pa kayong alam tungkol sa isa't isa, hindi mo alam kung after nun magkita pa kayo or mag-uusap. So para sa'kin, mahirap 'yun mag-work.

Do you get jealous easily?
Oo, sobrang seloso ako. Pawisin daw kasi 'yung ilong ko, kaya [ganun]. Hindi, joke lang. Pero ['yun ang] sabi nila. Pero sa tingin ko totoo, kasi minsan, ayoko magselos pero mabilis ako magselos talaga e.

What makes you jealous?
Mabilis ako magselos, na parang may kumakausap lang na hindi ko kakilala, nagseselos na kaagad ako. Pero dati pa 'yun nung bago pa lang kami, ngayon nagbago na 'ko. (Laughs.) Ngayon hindi na talaga masyado. Pero minsan sa work, siyempre, parehas kami sa showbiz, tapos may ka-love team siya, nagseselos ako, pero 'yung parang lambing-lambing lang na selos. Hindi na talaga 'yung seryosong nagseselos ako.

Based on your past experience, what’s the best way to move on after a relationship?
Siyempre, kasi may mga kapatid ako--tatlo kaming magkakapatid. 'Yun siguro [ang paraan ko para makapag-move on], 'yung [to spend] time with family. Kasi minsan 'pag nasa relationship ka, parang wala ka masyadong time sa kanila. Pero kunwari wala ka nang girlfriend, parang ma-e-enjoy mo, kasi na-miss mo silang makasama at maka-bond. Parang iba pa rin 'pag kasama mo 'yung family mo. Lahat ng problems nawawala, 'tsaka andyan sila palagi para sa'yo.

So your fall back is your family?
Oo. 'Tsaka siyempre nagpe-pray din ako kay God talaga.

What makes a woman girlfriend-material for you?
'Yung alam mo na talagang proud siya sa'yo kahit na kanino, [like] sa friends or family. Gusto ko siyempre close siya sa family niya, tapos mapapakilala ka sa family niya [para] magiging close ka rin sa family niya. Siyempre seryoso talaga. Maraming babae kasi na naglalaro, na hindi mo alam kung seryoso o nagsasabi ng totoo. 'Yun, 'yung talagang nagkakaintindihan kayong dalawa.

Do you believe in soul mates? Do you believe everyone has a soul mate?
Siguro. Hindi ko naman na-experience, pero nakikita ko sa ibang tao. Kasi minsan 'di ba, kahit na ilang years silang magkasama, hindi pa rin sila nagkakatuluyan. Tapos meron naman, bago pa lang sila tapos bigla na lang ikakasal. Siguro 'yun talaga 'yung soul mate niya.


Watch for the last batch of photos and the last part of his interview next Wednesday!


With reports from Amie Perez

Styled by Kabbie Rodriguez
Groomed by Sheryl Songsong
Special thanks to Allan Altera

Continue reading below ↓
808
Sorry, no results were found for