Sorry, no results were found for

Ruru Madrid Is Our February Cosmo Crush And He's Love In Action

With Ruru, actions speak louder than words.

Ruru Madrid has been making a name for himself in the action film industry. Fresh off his Best Actor in a Supporting Role win at the 50th Metro Manila Film Festival for Green Bones—where he co-starred with one-half of our first-ever Cosmo Couple, Dennis Trillo—he's now back on set, filming the second season of his hit GMA series, Lolong.

Life as a rising action star means constant training and staying in top form, so even in his downtime, Ruru keeps his body primed for all the intense stunts and fight scenes his roles demand. The moment the director calls, "Action!"—he's ready.

And it turns out, he's just as quick to get into action when it comes to love.

Ruru believes romance isn't about waiting for the perfect occasion—it's about making every moment count. "Alam mo yung pag nasa mall kayo and then sinabi mo, 'I like this.' Yun. Action—hindi na ako maghihintay ng okasyon para lang ibigay [yung gift] sa kanya. Because for me, every day dapat iparamdam mo sa kanya yung special day." With a love language rooted in action, it's only fitting that he's our Cosmo Crush for the month of love.

ADVERTISMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ruru madrid for cosmopolitan philippines cosmo crush february 2025
JL Javier

Ruru Madrid for Cosmo Crush February 2025

Below, Ruru gets candid about his passion for his craft as well as how he prefers to show his love: wholeheartedly, through action.

Ruru Madrid is Cosmopolitan Philippines' Cosmo Crush for February 2025

So, how does it feel to be a Cosmo Crush?

Ruru: Parang lahat ng mga dreams ko before, lagi namang part na hopefully, someday, magkaroon ako ng magazine cover. But, wow. I get to do this stuff. So, I'm just very grateful na part ako ng Cosmo Crush this month. And, I'm actually really looking forward sa araw na 'to because it's not the usual thing that I'm doing. Usually, more of tapings and sobrang focused ko into my acting. So every time na may mga ganitong mga opportunities, I feel very grateful.

CONTINUE READING BELOW ↓
watch now

ALSO READ: Just 11 Fun Facts To Know About Ruru Madrid

Of course, since this is Cosmo Crush, we want to know: how would you define a crush?

Ruru: It's something that you feel na hindi mo ma-explain kung ano yung nararamdaman mo. But, every time na naisip mo siya or every time na nakikita mo siya, may na-ffeel ka na parang kiliti or something like that. Sometimes, you can use it bilang inspiration.

I still remember when crush ko noon yung teacher ko. Sobrang nilu-look forward ko yung pagpasok ko sa school every single day just to see my teacher. Yun yung naging motivation sa akin para galingan ko lalo sa school, para mapansin niya ako. You feel na may push sa'yo para patunayin mo sarili mo sa kanya, para mapansin ka niya.

Before you were in a relationship, how did you act when you had a crush?

Ruru: Actually, I'm very straightforward. Kapag may nagustuhan ako, ako yung tipong ako yung gagawa. Ako yung kikilos. Ako yung magpapakilala at sasabihin ko na crush kita.

ADVERTISMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Was it a gradual change as you were growing up—when you started becoming more confident in approaching your crushes?

Ruru: I guess ever since bata pa ako [ganun na ako]. Lagi akong straightforward and I'm very vocal kapag may nagustuhan na girl. For me, it's not something na dapat mong ikahiya. Because gusto mo lang naman i-compliment siya na sinasabi mo to dahil na-appreciate mo kung gaano siya ganda or gaano siya kabait. Dapat hindi tayo mahihiyang sabihin ito sa mga crushes.

ruru madrid for cosmopolitan philippines cosmo crush february 2025
JL Javier
ADVERTISMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Who was your first-ever crush?

Ruru: I guess five to six years old ata ako, pinapanood namin yung Charlie's Angels with Lucy Liu. Sobrang crush na crush ko siya nung time na 'yon. Sinasabi ko nga sa mom ko na sana ma-meet ko siya someday. Sana makilala ko siya, makapagpa-picture ako sa kanya. Iba yung impact niya sa akin nung bata ako.

What's important when you like someone—is it the looks or the personality?

Ruru: Parang parehas 'yang importante. Lalo na kapag nagkaka-crush tayo, 'di ba? Pero more than anything else, I guess yung personality ng isang tao. At first, siyempre una mong makikita yung physical features niya, kung gaano siya kaganda, 'di ba? Pero kasi for me, yun yung tipong mawawala eventually. Pero yung pag-appreciate mo sa personality ng isang tao, yun yung panghabang-buhay at sobrang tumatagal.

What's the best way for someone who has a crush on you to get your attention?

Ruru: Before, nung single ako, sobrang nagkakagusto ako sa girls na very mysterious or may pagka-introvert. Siguro dun ako na-challenge. Kudos to those girls na very straightforward at talagang ipapakita nila na gusto ka nila. Pero siyempre, sometimes gusto ko rin na may challenge na gusto ko ako yung gagawa nito para sa'yo o ako yung magpapakilala. So [type ko] yung mga tipong hindi ka pinapansin. Yung tipong para bang wala silang pakialam sa'yo o parang hindi ka nila nakikita.

ADVERTISMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

How do you react when someone tells you that they like you?

Ruru: Well, ever since bata ako, parang hindi ako yung—I don't know yung right term—na gustuhin. Parang hindi ako yung lalapitan at sasabihan na, "Ang pogi mo" o "Crush kita." So kapag may nagsasabi nun, parang sa akin, napapaisip ako na, "Totoo ba?" or parang mahihiya ako. Pero siyempre, ma-a-appreciate ko naman. Siguro ayaw kong pumasok sa ulo ko na may crush [siya] sa akin.

ruru madrid for cosmopolitan philippines cosmo crush february 2025
JL Javier
ADVERTISMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ruru is wearing jacket and pants from VIKTOR

What's your ideal date?

Ruru: Sobrang simple lang yung gusto ko. Kasi I'm not into expensive stuff like mag-date ka sa yate. Kahit yung spontaneous trip lang na mag-drive ako, kasama ko siya. Punta kami somewhere like Baguio. Mahilig ako mag-drive nang malayo. So road trip. And then, magpa-park lang kami somewhere sa magandang view and kain lang kami sa likod ng sasakyan. Masaya na ako doon.

Cute! What was your most memorable road trip date?

Ruru: Ang ginawa namin one day, bigla na lang kami nakapag-decide na "Okay, let's go to Baguio." Ang ginawa namin, bago kami mag-Baguio, dumaan muna kami ng La Union. Tumambay muna kami sa dagat. Chill lang kami doon. Kumain kami. And then, after that, we went to Baguio para lang mag-tsokolate de batirol. And then, nag-Manila na kami. Ganun lang. Ganun ka-spontaneous.

How do you express your affection for somebody?

Ruru: Actually, it's the effort na maibibigay mo doon sa tao para lang maiparamdam mo kung gaano siya kahalaga para sa'yo. Hindi ako masyadong nag-e-expect na meron akong matatanggap in return. Hindi ko ine-expect na dapat may gifts or parang dapat mag-effort din sa'kin. For me, as long as napaparamdam ko sa'yo kung gaano kita ka-love or kung gaano kita na-a-appreciate, parang okay na ako doon. Masaya na ako doon.

ADVERTISMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Since we're talking about dates, what's the best dating advice you've received or would give to somebody else?

Ruru: Yung dad ko kasi and yung lolo ko before, lagi nilang sinasabi sa akin: "Kung makikipag-date ka, siguraduhin mo na pera mo yan." Hindi mo dapat hiningi sa parents mo. Dapat pinag-ipunan mo, pinagpaguran mo. I guess mas ma-appreciate ng kahit na sino i-date mo because galing sa'yo eh.

Kaya every time nakikipag-date ako, gusto ko ako talaga yung taya. Ako yung magbabayad. Siyempre tatanungin ko siya kung ano gusto niya. Pero dapat tayong mga guys yung talagang magbibigay nun sa kanila.

ruru madrid for cosmopolitan philippines cosmo crush february 2025
JL Javier
ADVERTISMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ruru is wearing trousers from VIKTOR

I don't know, hindi naman ako very traditional guy. Siyempre nakikita naman natin na ang dami na nagbabago [in the] 21st century. Sometimes yung girls, sila na yung mismong mag-ask sa'yo ng date. I mean, it's all good. But for me, gusto kong panatilihin kung papaano yung guys before. Pupunta ka sa bahay, susunduin mo siya. Ikaw yung mag-treat sa kanya. Kung anong gusto niya? Gusto niya bang kumain sa restaurant? Ako yung gagawa for her.

Moving into your experience as an actor, do you think acting has helped you be a better partner in a romantic relationship?

Ruru: Siyempre sa acting, kailangan mong magkaroon ng discipline. For me, it's an art. Sobrang love ko yung craft ko or yung ginagawa ko. So, siyempre, kapag seryoso ka sa ginagawa mo, part of you parang biglang nagbabago rin eh. I started [acting] when I was 14. At first, ine-enjoy ko lang. I'm just doing this for my family. But habang tumatagal, lalong lumalalim yung pagmamahal ko sa craft ko. So lalo rin lumalalim yung pagiging tao ko.

ADVERTISMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi lang sa life but also sa pagmamahal. Magiging iba rin yung way kung papaano ka makitungo sa tao, papaano mo siya kausapin, papaano siya mahalin. So, at the same time, ang dami mo rin matututunan in every role. [Kapag] gumagawa tayo ng mga romantic stories, maiintindihan mo yung character mo na, "Okay, ganito pala siya magmahal. So, what if ganito rin ako?" Parang na-adopt mo yung mga ganoong klaseng character. Nakakatulong talaga siya pagdating sa love.

Do you have a specific role of yours that you think is the most similar to when it comes to your relationship?

Ruru: Siguro yung paano magmahal si Lolong. Si Lolong is sobrang unselfish. Uunahin niya palagi yung ibang tao kaysa sa kanya. For example, let's say last pagkain na 'to pero sinabi ng mahal mo na, "Gusto ko," o "Parang gutom pa ako." Ibibigay niya.

I guess parang ganun din ako pagdating sa love. Hindi ko hahayaan na magutom, masaktan, o malungkot yung taong mahal ko. Okay na kahit ako na lang sumalo ng lahat ng 'yon. Ako na lang masaktan, ako na lang magutom, basta huwag ka lang.

ADVERTISMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ruru madrid for cosmopolitan philippines cosmo crush february 2025
JL Javier

Can you describe your dream girl?

Ruru: Dream girl? Well, I think I found her. *smiles* Siguro, very simple. God-fearing, sobrang mahal niya yung pamilya niya, maalaga, mapagmahal, alam mo na meron siyang vision sa kung ano yung gusto niya marating in life. Siguro, yung pagmamahal din niya para sa sarili niya. Kasi 'di ba lagi naman lahat sinasabi, 'di ka naman makakapagmahal ng ibang tao kung hindi mo mahal sarili mo. 

ADVERTISMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ALSO READ: Ruru Madrid Gushes Over His Dream Girl Bianca Umali: 'Wala ka nang hahanapin pang iba'

You sound very in love. So, next question is, what's the craziest or most out-of-the-box thing you did in the name of love?

Ruru: There's this girl, sobrang na-in love ako sa kanya before. And then, during that time siyempre, bago pa lang ako sa showbiz and you know, kapag bago ka sa showbiz, yung TF mo is not that big, 'di ba? Pero nag-ipon talaga ako. And then, sinabi niya kasi na parang nagki-crave daw siya ng lechon Cebu. So, sinabi ko, "Okay, sige, nagki-crave ka ng lechon Cebu." Ginawa ko, bumili ako ng round trip ticket ng Manila to Cebu.

Tapos, lumipad kami ng gabi. And then, yung isang restaurant na famous dun sa Cebu [for their] lechon Cebu, pinasarado ko yung second floor. Tapos, binigay ko sa kanya, sobrang hindi niya in-expect, nag-no siya. Sobra akong nasaktan, sobra akong nalungkot. Pero sabi ko, at least napatunayan ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Kung hindi niya gusto, inintindi ko na lang siya, hinayaan ko na lang, then nag-move on na lang.

ADVERTISMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Since this article will come out after Valentine's, what would be the ideal Valentine's date for you?

Ruru: We don't celebrate Valentine's talaga because of my religion. But yung Valentine's is, para sa akin, ang katumbas niya na yung pagmamahal na pwede mong ibigay on that day. But for me, every single day is Valentine's Day.

Every single day is a heart's day or love day. Lalo na pagka-boyfriend ka or may crush ka or may nagugustuhan ka, dapat every single day pinaparamdam mo sa kanya na mahal kita or maparamdam mo sa kanya kung ano ba yung pagmamahal na kailangan niya.

ruru madrid for cosmopolitan philippines cosmo crush february 2025
JL Javier
ADVERTISMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ko na kailangan maghintay ng Feb 14 para lang mag-date kami. Basta makakita ako ng something na maganda, na ma-appreciate [niya], bibilhin ko na agad. Hindi na ako maghihintay ng occasion talaga.

If you were going to propose, what would the ideal setup be?

Ruru: Basta anything intimate. Ayaw ko ng masyadong engrande.

What's your usual workout regimen?

Ruru: My current schedule right now is Monday, Tuesday, Thursday, and Friday are taping days for Lolong. Sa mga araw na yun, usually, magpa-pack up kami nang maaga. I'll try to work out ng gabi or early morning like 4 or 5 a.m.

Bukod sa pag-work out, I'm into mixed martial arts. Currently, nag-Filipino martial arts ako with Lakan Ronnie Royce Base. Actually, advocacy ko rin na maipag-malaki yung sariling atin, na meron tayong FMA, so bakit hindi natin gamitin? 

Growing up, were you athletic or is that something that developed as you started?

Ruru: Growing up, makulit lang talaga ako. Marami raw energy. And may core memory ako na nakikipag-suntukan ako sa hangin, nagfa-fight scene ako mag-isa nung bata ako. And then, eventually, sabi ko, "Parang gusto ko mag-martial arts." So, nag-Muay Thai ako, nag-boxing ako. Basketball din. Sobrang na-in love din ako sa basketball. Volleyball din. I guess yung pagiging athletic nakuha ko rin sa dad ko dahil yun din yung hiling niya before. Yung kulit ko nalalabas ko sa sports.

ADVERTISMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ruru madrid for cosmopolitan philippines cosmo crush february 2025
JL Javier

So it became a jumping-off point for you, now that you're working towards becoming this generation's action star.

Ruru: Yes, yes. I guess somehow na-manifest ko siya, eh. Kasi parang lagi ko sinasabi na someday magiging action star ako, someday magiging like FPJ ako or Philip Salvador or parang Robin Padilla ako. Yun laging nasa utak ko. I guess na-manifest ko siya dahil ever since, naniniwala akong mangyayari siya sa akin.

ADVERTISMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Now that you're more into action-led projects now, what's your favorite action movie ever?

Ruru: John Wick talaga. Pero, siyempre nung bata ako growing up, Rambo, what else, like The Expendables, Jason Statham films, Face Off, yan yung mga hilig ko before. Die Hard. Mahilig ako sa action. And, siyempre sa local films natin, any films ni FPJ, any films ni Robin Padilla or ni Philip Salvador, lahat yan pinapanood ko talaga.

Do you have a dream actor that you want to work with in the future or have you worked with them already?

Ruru: Yeah. Dati, sobrang dream kong ma-meet lahat ng mga ini-idolo kong action stars like Robin Padilla and Philip Salvador. When I entered showbusiness, siya [Philip Salvador] yung mentor ko at isa ako sa kanyang mga protégé. Nabibigyan niya ako ng mga advice. Ang saya na parang noon pinapangarap ko lang siya. Pero finally, ngayon, nagfa-fight scene na kami together.

ADVERTISMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para siyang full circle moment na pangarap ko lang ito before, pero nangyayari na. I'm very grateful na yung mga dating ini-idolo at tinitingala kong mga action stars noon, nakakasama at nakakatrabaho ko na sila.

As an action star, you need to take care of yourself for you to perform your best. What do you do and use to take care of your skin and hair? After all, being an action star is not just about the physical fitness but also taking care of how you look on camera.

Ruru: That's true. I guess sometimes yung mga guys feeling na, "Nako, 'pag nag-skincare ako, it's not manly." But for me, kailangan mong alagaan yung sarili mo. Because at the end of the day, paano ka haharap ka sa mga crush mo o sa taong mahal mo na hindi okay. 'Di ba parang it's not good. So, for me, it's fine or it's okay na alagaan mo rin yung sarili mo. Hindi mababawasan yung pagkalalaki mo 'pag nag-skincare ka or inaalagaan mo yung buhok mo.

ADVERTISMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

So, every single day, pagkagising ko palang sa umaga, mag-i-ice na ako ng face. Tapos after ko mag-ice, yan na yung mga skincare regimento. Of course, toner, oil control pads, kailangan rin natin ng sunscreen dahil, siyempre, 'lagi tayo nasa labas. At sobrang dami kong uminom ng water.

ruru madrid for cosmopolitan philippines cosmo crush february 2025
JL Javier
ADVERTISMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ruru is wearing jacket and trousers from VIKTOR

You've been in the spotlight for quite some time now—since you were 14, right? What inspired you to pursue acting in the first place and what were the biggest challenges that you faced in the early stages of your career?

Ruru: Ever since bata naman kasi talaga ako, yan talaga yung ultimate dream ko. Siyempre wala ka namang hesitation kapag may pangarap ka or may gusto ka, like "I wanna be like this someday," 'di ba? Parang gagawin mo talaga siya but eventually, habang tumatanda ka, maraming factors na parang pipigil sa pangarap mo.

Ang daming beses kong nag-audition. Ang daming beses kong ginagawa yung mga ganyang bagay but it's not working. Parang nawawala yung passion, nawawala yung dream ko ngayon. But eventually, what I realized is you just need to keep going and keep believing in yourself at maniwala ka sa kung ano ba yung timing ni God. It will happen.

ADVERTISMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

It's paid off because you just won an award at MMFF. How did you feel about winning Best Supporting Actor? How did it change your mindset—if it did—about your career?

Ruru: Sobrang grateful. Sobrang sarap na pakiramdam sa puso. I'm just very grateful to be part of this project because it's not just any kind of film na nagawa ko before o napanood ko before. Meron siyang na-hit sa puso ko na kailangan ko maging mabuting tao. Sobrang saya ko to be part of that project. Noong nalaman ko na nominated ako and then eventually nanalo ako ng Best Supporting Actor, hindi ako makapaniwala. Actually, hanggang ngayon I feel like medyo lumulutang pa rin.

Siguro ang nabago niya sa akin is palagi kasi sinasabi ng mga tao na, "Okay, 'pagka nagka-award ka, parang bonus na lang yan, 'di ba?" Pero for me, hindi lang siya basta bonus lang eh. Para siyang nagsisilbing inspiration sa akin to work harder.

ADVERTISMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Every time nakikita ko yung award na yun, ito yung magsisilbing motivation sa akin na kailangan kong pagbutihin lahat ng ginagawa ko. Not just to get another one, but iba yung feeling nung hawak ko siya at nagpapasalamat ako sa mga taong naniniwala sa akin. Ang sarap sa puso. At nung hinarap ko siya sa pamilya ko, sa mom and dad ko, parang "Ma, tignan mo, meron na ako nito." Yun yung magsisilbing motivation sa akin to work harder at lalong galingan yung mga ginagawa ko at lalong mahalin yung craft na ginagawa ko.

Wow, what else can I say after that? You must be super excited, then, to work on Lolong Season 2. What drew you to coming back for another season?

Ruru: Siguro kaya rin ako nag-yes [at naisip] na kailangan nating gumawa ng another season of Lolong dahil ito talaga yung nakapagpabago sa buhay ko. Before ko gawin yung Lolong, parang malapit na ako mag-give up. Maybe because noong time na 'yon, matagal akong walang ginagawang project. Feeling ko, "Tama pa ba itong ginagawa ko? Ito pa ba yung tamang career for me?"

ADVERTISMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ruru madrid for cosmopolitan philippines cosmo crush february 2025
JL Javier

But because of Lolong, bumalik yung drive, passion, at yung pagmamahal ko sa craft ko. What I realized is, sometimes, kaya pala nangyayari sa akin yung mga ganoong moments. So that 'pag dumating yung araw na ibigay na sa'yo yung para sa'yo, hindi mo ite-take for granted yung mga bagay because you know how hard yung pinagdaanan mo bago mo siya makuha. And it was a success.

ADVERTISMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

And how else did it change your life?

Ruru:  Noong time na yan, ang daming mga bata na lumalapit sa akin na [nagsasabing], "Kuya Lolong, idol kita." O biglang may magkukwento sa akin na mga bata na after school, pupunta sila sa isang computer shop just to watch Lolong together. Yung gano'ng feeling lang na nakapagbigay ka ng inspiration to the younger generation of Filipinos, ang sarap sa puso.

Siyempre naiisip ko na ang laking responsibility na maging role model sa mga bata. Pero, in-embrace ko siya nang sobra. Of course, hindi naman ako perpektong tao. But alam ko sa sarili ko na yung mga bagay na ginagawa ko, yung mga projects na ginagawa ko, I hope nakakapagbigay ng inspiration sa kanila na someday magiging ganyan rin [sila].

Would you be able to say how Lolong differs from Season 1 and Season 2?

Ruru: Sa Season 1 kasi it's very simple lang. It's all about Lolong [and his quest for justice] para sa pagkamatay ng parents niya. And then eventually, nakita niya yung pagka-corrupt nung lugar, kung nasaan siya. Ang ganda kasi ng significance ng buwaya dun sa mga taong greedy at pinagamit nila yung power nila para makukuha pa ng mas malaking power.

ADVERTISMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

But nung nag-season 2 kami, nag-focus doon sa backstory ni Lolong. Saan ba siya galing? Bakit ba hindi siya tinatablan ng bala? Bakit ba hindi siya nasusugatan? Sino ba yung mga Atubaw? Bakit merong Ubtaw? So medyo mas lumalim na siya in a way, na para siyang Lord of the Rings na pinag-aagawan yung isang ring ng sobrang daming mga tao.

At the same time, challenging din siya gawin dahil ang daming villains. Ang daming mong makakalaban. Iniba rin namin yung style ng fight scenes. Like what I said earlier, nakipag-partner ako with this teacher ng FMA para maipasok natin yung Filipino martial arts sa Lolong at maipagmalaki natin sa Filipinos.

ruru madrid for cosmopolitan philippines cosmo crush february 2025
JL Javier
ADVERTISMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

So in Season 2, how do you think Lolong's character changed from between Season 1?

Ruru: Sobrang laking maturity na ang nagbago kay Lolong. Before, sugod siya nang sugod, parang lang makapaghiganti siya. Pero ngayon, na-realize niya na, "Hindi ko kailangan sumugod nang sumugod kasi kailangan kong mas magplano papaano ako matatalo yung kalaban ko." Hindi sinasabi ni Lolong na kaya ko ito mag-isa, lalaban ako mag-isa. Ngayon, kailangan ko yung mga kaibigan ko para labanan ko sila.

You've been working since you were 14. Have you noticed any changes in the acting industry since then?

Ruru: Sobra. Especially right now, makikita mo na sobrang nag-evolve yung Philippine entertainment industry, 'di ba? From films to teleseryes to music. Makikita mo kapag nanonood tayo ng Hollywood films before, parang [naiisip ko], "How do you do that?" o "It's hard na gawin 'to."

Pero ngayon, may mga mapapanood ka ng mga pelikula o mga teleserye na, "Whoa! Kaya na pala natin 'to." Doon mo makikita na abot-kamay na natin lahat. Yung pagiging creative ng mga Pilipino, lahat lumalabas na ngayon. I guess because hindi na rin tayo natatakot sa kung ano yung sariling atin at meron na rin tayong sariling identity na hindi na natin kailangan manggaya ng iba—because kaya rin natin. Kaya natin bumuo ng sarili nating story. Kaya natin ipagmalaki yung sariling atin.

ADVERTISMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

And as an actor, how do you want to contribute to that growth?

Ruru: In every project na ginagawa or pinagkakatiwala sa akin, siyempre, I always want to push myself dun sa limits at maibuhos ko lahat ng makakaya ko just to give a very compelling and relatable character o yung mga films na makakapagbigay ng lesson o makakapagbigay ng mark sa puso mo na habang buhay mo hindi makakalimutan.

Hopefully, we get to do films na mailalaban na rin natin eventually sa Oscars. Para makita rin ng ibang bansa kung ano yung kaya nating gawin. Yun yung dedication na gusto kong ibigay. Never kong gagawin 'to for the sake of money or for the sake of fame. Sobrang mahal ko yung ginagawa ko. It's not just for myself, not just for my own success, but para rin sa success nating lahat na mga Pilipino.

Looking ahead, are there any specific genres or types of roles you'd like to explore and you haven't explored just yet?

Ruru: Recently, parang nagkakaroon ako ng vision or parang nama-manifest ko siya. Pero sana magkaroon ako ng biopic ng isang bayani natin sa Pilipinas. Hopefully, Andres Bonifacio. Pangarap ko na ma-represent yung bansa natin through projects na ginagawa ko.

ADVERTISMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ruru madrid for cosmopolitan philippines cosmo crush february 2025
JL Javier

What are the other long-term goals for your career that you're working towards? Maybe your acting or any other endeavor that you want to achieve?

Ruru: Like what I said earlier sa Filipino martial arts, gusto ko siya maipagmalaki dahil nalaman ko nga it's our national sport—yung arnis. Ang goal ko is ma-master ko itong Filipino martial arts. Then, eventually pupunta ako sa mga schools at ituturo ko siya sa mga bata. Kasi usually 'pag tinanong mo yung isang tao, ano yung gusto mong martial arts? Sasabihin na either Muay Thai or boxing. It's okay na matuto tayo ng iba-ibang skills. Pero, sana unahin natin yung sariling atin. Ang nakakalungkot dun ay mas ginagamit pa siya sa Hollywood. Pero sa atin, hindi siya usually nagagamit. 

ADVERTISMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At the same time, hopefully, I get to do films or mga teleserye na ako yung magde-direct or ako yung magsusulat. Because nandito na rin ako sa industriya. Laging sinasabi ng mga tao, 'pag artista ka, dapat meron kang fallback. So dapat kukuha ka ng course na sobrang layo sa pagiging artista. Pero, for me, I'd rather fall forward because nandito na ako. Hindi ako maisip or parang sumagisisip sa isip ko na it will not work, yung pagiging artista ko. Hindi siya mangyayari. Because I will do everything para mag-work itong ginagawa ako.

How would you want people to remember Ruru Madrid?

Ruru: I want to be remembered forever at makapag-iwan ako ng mark sa mundong ito. Na kahit nawala na ako, alam ng tao na meron akong nagawa, meron ako nai-ambag, meron ako nabigyan ng inspirasyon na maipapasa pa.

I want to be remembered forever through projects na ginagawa ko or through dun sa mga bagay na nagagawa ko na nakakapagbigay ng inspirasyon sa kanila.

ADVERTISMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

And in one sentence: Ruru Madrid is ____?
Ruru: Ruru Madrid is... Ang hirap sabihin pero hopefully, someday, legendary.

***

PHOTOGRAPHER: JL Javier
ART DIRECTION: Ica Del Mundo
ASSOCIATE EDITOR: Ida Aldana
PRODUCER: Alyana Olivar
STYLING: David Milan
HAIRSTYLING: Dale Mallari
MAKEUP: Thazzia Falek
SET STYLING: Arj Madz of Jagger Studios
STORY: Alyana Olivar
VIDEOS: Teddy Garcia and Cherrie Julian
SOCIAL MEDIA: Aina Lizarondo, assisted by Elsa Macalinao
Special thanks to Sparkle GMA Artist Center

Disclaimer: This interview was edited for clarity and brevity.

watch now
Close