Sorry, no results were found for

Cosmo Online Hunk Rodjun Cruz: Your Stylish Crush

All for the love of Fashion Month, we made our November hunk particularly fasyon for you. See this young actor work it in more photos this week!

Don't you just get a rush when your man looks extra fashionable, or your crush in the office is more maporma than usual? We want to give you that kilig feeling all month, so we're dressing up our November hunk Rodjun Cruz in stylish duds!

Click through our biggest batch of photos for the month, and get to know him better in the following interview, where he divulges what he likes about women--from their physical features and personality, to their taste in clothes! And here's something few guys would rarely talk about: He tells us how he really prepares for a date!


Describe your ideal girl.

Siyempre unang-una, understanding, tapos mabait, maganda, 'tsaka matalino.

What physical features do you like in a girl?
Gusto ko 'yung sakto lang, hindi masyadong matangkad, hindi rin maliit. Tapos siyempre, gusto ko talaga ['yung] sexy, 'tsaka mestiza.

What do you notice first in a girl?
Physically, siguro 'yung smile 'tsaka 'yung eyes niya.

What kinds of clothes do you like seeing on girls?
[I find it cute] 'pag nakasuot sila ng dress. Mas maganda 'yung maiksi nang konti. (Laughs). Kasi pangit naman 'di ba [kung masyadong mahaba]. Okay na 'yung maiksi.

What turns you off in women?
Siguro 'pag 'yung nagsmo-smoke. 'Tsaka 'pag medyo hindi maganda 'yung porma. 'Tsaka 'yung 'pag kausap mo, iba 'yung sagot niya sa tanong mo, malayo 'yung mga sagot.

What kind of clothes do you not want to on women?
Hindi ako marunong tumingin ng mga tamang porma. Pero 'yung medyo baduy na sobrang makukulay, tapos 'yung mga jeans na, alam mo 'yun, hindi na uso. Parang hindi na modern, parang mga baro’t saya. Kasi meron pa ring mga ganun hanggang ngayon 'di ba?

Which do you prefer: a fashionista or someone who wears simple clothes?
Pwedeng gitna? Gusto ko 'yung simple lang pero marunong siyang pumorma, 'tsaka marunong siyang magdala ng damit niya.

Would you mind if your girlfriend wears sexy or revealing clothes?
Okay lang sa'kin 'pag kasama ako, pero 'pag hindi ako kasama, [ayaw ko]. Ako kasi, [ang] mahirap sa'kin sobrang strict ko talaga e. Okay lang naman 'yung maiksi, pero 'pag sobrang iksi nagagalit ako, parang ayoko ng masyadong maiksi. (Laughs.) Minsan nga, nag-beach kami [ng girlfriend ko] kasama 'yung barkada, dati 'yun nung bago pa lang kami. Sobrang strict ko talaga, hindi ko siya pinayagang mag-two-piece [na swimsuit]. Pero ngayon pwede na, basta kasama ako. (Laughs.)

So you’re the conservative type of boyfriend?
Oo.

Describe your ideal date.
Siguro sa'kin 'yung dinner lang na talagang nag-uusap kayo, tapos makikilala n'yo 'yung isa’t-isa. 'Yung pinag-uusapan n'yo [dapat] may sense. Tapos siyempre ['yung] nag-e-enjoy ka talaga, kahit movie lang, masaya ka talaga.

Do you prefer the romantic candle-lit dinner or something more laid-back?
Siyempre sa una laid-back, pero 'pag matagal na and love ko talaga 'yung person, sobrang romantic talaga ako.

What do you usually wear on a date?
Boxers! (Laughs.) Hindi, joke lang. Sabi [n'yo] kasi sexy ['yung questions]! (Laughs.) Siyempre kailangan maporma 'pag date. So [I wear] a long-sleeved [polo], minsan leather shoes pero sa hindi naman talaga formal, naka-rubber shoes and jeans.

How else do you prepare for a date, aside from picking the right clothes to wear?
Uh, nagpapagupit ako para hindi naman masyadong mahaba 'yung buhok ko at magulo-gulo. Siyempre kailangan sobrang bango ko, so pinupuno ko 'yung sarili ko ng pabango. (Laughs.) Siyempre, unang-una 'yun 'di ba. Ayun, talagang dapat malinis ako at maganda 'yung suot ko.

Do you condition yourself emotionally, like, do you talk to yourself in the mirror and say, "You can do this!" or something like that?
Ay hindi naman! (Laughs.) Delikado na 'yun 'pag ginawa ko 'yun!

But seriously, how do you prepare yourself emotionally for a big date?
Siguro uh... (long pause) ginagawa ko rin 'yun, 'yung sinabi mo. (Laughs.) Inamin! Hindi, minsan lang naman. Tumitingin ako sa mirror para makita ko naman 'yung itsura ko, kung okay ba 'yung itsura ko habang ginagawa ko 'to (demonstrates different facial expressions) or nagsma-smile ako. (Laughs.) Nabisto! Pero hindi naman 'yung solid na kausap parang, "Hi! Ako nga pala si…hindi naman ganun.

Name one thing you want women to know about men.
Siguro lahat ng babae, akala [nila], lahat ng mga lalaki hindi serious, na masasaktan lang sila. Dapat isipin nila na makakahanap din sila ng mga lalaki na sobrang loyal at mababait, hindi pare-parehas na playboy. Meron talagang serious na mamahalin sila nang sobra. Hintayin lang nila 'yung tamang panahon. 'Wag silang magmamadali. Yeeeeessss! Ako 'yun! (Laughs.) Hindi, joke lang.

Watch for the third batch of photos and then next part of his interview next Wednesday!


With reports from Amie Perez

Styled by Kabbie Rodriguez
Groomed by Sheryl Songsong
Special thanks to Allan Altera

Continue reading below ↓
788