Sorry, no results were found for

Danita Paner: JC De Vera's New Leading Lady And TV Star On The Rise

This singer tried acting for TV--and loved it! Get to know the love life, style, and attitude of the new star you're now seeing on TV5 primetime.

For pop-rock singer Danita Paner, acting for TV or movies was the last thing she wanted to do. Not even her mother Daisy Romualdez, a veteran actress, was able to influence her to do TV--at least until now. TV5 was finally able to convince her to give it a go--and now she's starring in her first daily primetime rom-com series My Driver, Sweet Lover. As a bonus, she has heartthrob JC de Vera for her leading man! She also co-stars with Arci Munoz and Tom Rodriguez, as well as big showbiz names such as Dina Bonnevie, Richard Gomez, and Eric Quizon, among so many others.

Now that she gets to work with the best in the industry, good things could be in store for this up-and-coming TV star's career--even in her love life, it seems. Cosmo got to chat with Danita about fashion, skin care, showbiz, JC, and what it took for her to step out of her comfort zone. Read on for the full interview.


Since this is your first major show, how does it feel to be working with all these big stars?

I'm very, very blessed to work with them kasi lahat ng cast veterans na sa showbiz. Ako lang talaga 'yung sobrang bago. So… may konting pressure pero masaya naman, nakaka-challenge.

What are your expectations?


Well, ako ayokong mag-expect ng sobra sa show pero sa sarili ko, siyempre improvement sa acting. Before, nagba-banda ako. So this is a whole new world for me, 'yung show business. Nung una nag-a-adjust pa 'ko but now, na-e-enjoy ko naman siya.

What made you decide to enter showbiz?


Actually, before, sabi ko ayoko ng acting. [I used to tell myself,] "Never akong mag-a-acting." Isang umaga nagising ako, may isang offer [for a TV show guesting], sabi ko, sige try ko. [When I tried it], nung una hindi ko siya magawa nang maayos. Umiiyak ako every scene kasi hindi ko talaga kaya. Na-challenge ako nung may pangalawang nag-offer, another  TV guesting. [I tried it and] na-enjoy ko na siya. And then dumating 'to, tapos nakasama ko 'yung cast, parang naglalaro lang kami. Tapos na-e-enjoy ko na siya, surprisingly.

How's your love life?

My love life? Sobrang masaya naman.


Who's making you happy?


Marami! (Laughs.) [Aside from those I work with], ang nagpapasaya sa'kin ay ang aking friends, family, si JC. Sabihin na nating si JC.


How is JC De Vera as a co-star?


JC is very, very professional. As in, kahit sobrang madaling araw na, kahit pagod na pagod na siya, wala kang maririnig na reklamo. And [since I'm] a newcomer, tinutulungan niya 'ko 'pag may eksena na 'ko. Kunwari 'di ko alam kung ano'ng gagawin, 'yan, tutulungan na 'ko niyan. Masaya siyang kasama.

How is he as a person?

Siya ay napakatahimik na tao, mahirap basahin ang kanyang utak, he's a very mysterious guy, kaya ako ay na-a-attract.

How would you describe your relationship with JC?

Paano ba? Happy-happy lang, steady, go with the flow. Kasi araw-araw na kaming magkasama. Ine-enjoy lang talaga namin lahat. Lumalabas kami 'pag walang trabaho [kaso] bihira lang siya mangyari kasi almost everyday, may trabaho kami. So 'pag may bakante talaga, ayun, nagkaka-yayaan na kami. Kasi marami kaming common friends, kilala ko na si JC six years ago pa. Naging close lang talaga kami dito sa TV5.

Sabi ko rin sa kanya, since love team kami, for sure magtatanong 'yung press ng ganyan-ganyan. Ayoko 'yung kailangan naming maging sweet para mas mapag-usapan or para mas-ma-attract 'yung mga tao, or para lang sa show. Hindi ako ganun. And surprisingly hindi rin siya ganun kahit matagal na siya sa [show] business. What you see is what you get. Ganun lang kami.

What qualities do you look for in a potential boyfriend?

Dati kasi marami akong ganyan e. Gusto ko gwapo, gusto ko matangkad, gusto ko maganda 'yung mata, gusto ko mahilig sa ganitong music. Ngayon, wala. Kung sino 'yung dumating, kapag nagustuhan ko, bigla ko na lang siyang mararamdaman. Hindi na 'ko tumitingin sa mga qualities-qualities. Pero, gusto ko siyempre 'yung God-fearing 'tsaka close sa family niya. Kasi dun pa lang malalaman mo na 'yung personality ng isang lalaki. 'Yun lang.

Do you think JC has those qualities?

Oo, in fairness, nasa kanya.

If you were to dedicate a song to JC, what would it be?

'Yung ano… (sings) "When I See You Smile..." Kasi 'pag nag-smile siya, naku, 'di ako makatingin, natutunaw ako! 'Di ko kaya kahit makipag-eye contact sa kanya. O kaya 'yung kay Katy Perry, 'yung "Teenage Dream."

Let's talk style and beauty. First, how do you take care of your skin?

Ako ay pumupunta sa derma kung may time. As much as possible, every week [I get a] diamond peel, glycolic wash chorva, mga ganun. And [I take] vitamin C and [lots of] water.

How do you stay fit?

Si JC kasi very health-conscious 'yan. Kaya 'pag kasama ko siya, ang dami 'kong natututunan like, "O ayan, 'pag kinain mo 'yan, magbo-bloat ka. Eto, 'pag kinain mo 'yan, ganyan-ganyan…" So ngayon nagbro-brown rice na 'ko.

What's your personal style?

It depends on my mood. Ang gustong-gusto kong porma e denim shorts tapos Converse na rubber shoes, o kaya 'yung DC na shoes tapos T-shirt lang o kaya tank top. Dito sa show, lagi akong naka-cocktail [dress], 'di ako nagpa-pants. Bawal akong mag-pants dito, so girly-girl talaga ['yung nagiging style ko]. Minsan talaga ayoko ng girly-girl e. Boyish ako e. At first nga nagkaroon sila ng problema sa 'kin kasi 'yung role ko [is] very girly. E nagkakaroon ako ng mga nuances na boyish. As in hiniwalay ko talaga siya. Kasi I do workshops, [where I learned that] kailangan ko ihiwalay 'yung sarili ko dun [sa role].

What advice, then, could you give girls about stepping out of one's comfort zone?

Don't over-analyze things. Kasi 'pag masyado kayong nag-iisip nagkakaroon ka ng [idea na] hindi mo feel gawin 'yung isang bagay. Just do what you want, do what you feel like doing, lalabas na 'yun, ma-e-enjoy mo siya eventually.

Continue reading below ↓
811