JC De Vera: "Hindi Na Ako 'Yung Typical Drama Actor"

The hunky actor talks about his career and the challenges in his new primetime series, his blossoming friendship with his co-star, and more.

They say good things come to those who wait. After appearing consistently on TV5's weekly slot, Cosmo's December 2009 Man On Fire JC de Vera has returned to primetime TV—in a new show and in a new love triangle. He plays charming jeepney driver Rocky on TV5's new romantic comedy and first daily series, My Driver, Sweet Lover (My DSL), which premiered last night, October 25. Top-billing the show with him are Danita Paner as heiress Gabrielle, Rocky's love interest, and Arci Munoz as Monique, the third wheel on the show's love triangle.

While this seems to be JC's lucky break, he now has to live up to higher expectations. As TV5's “Prince of Primetime,” he'll be head to head with all the other dashing leading men from the big networks. And while his latest show may take his leading man status to a whole new level, he feels blessed being right where he is, not letting his primetime gig get to his head.

We're sure you missed him, so when TV5 invited us to the launch of MyDSL, we took the chance to chat him up so he can tell us the latest dish on his life. Read on for our one-on-one with JC, and launch the gallery to view some snapshots of him during the interview.


How does it feel to be TV5's first primetime leading man?

Masaya. 'Yun lang 'yung masasabi ko. And habang tumatagal nae-enjoy ko lalo 'yung ginagawa ko rito sa TV5.

How is My DSL, compared to your past projects?

For me iba siya, kasi nag-loosen up na 'ko rito. Parang malaki 'yung naitulong ng PO5 'tsaka ng Loko Mo 'Ko para sa character na ginawa ko rito. Kasi very loose na ['yung character]. Hindi na ako 'yung typical drama actor na very stiff 'yung katawan. Very spontaneous kasi 'tong palabas na 'to. Light comedy lang siya, hindi namin pinipilit talaga mag-comedy, pero 'yung situations, 'yung mga eksena talaga, may konting nakatatawa.

Do you actually prefer doing comedy?

Refreshing lang for me. For several years puro hard action [and] hard drama, puro gano'n 'yung ginagawa ko. So ito, very refreshing para sa'kin. Nakaka-pressure din, kasi sobrang refreshing na nga ng ginagawa mo, first primetime soap pa ng TV5 [ang] nabiyaya sa'kin.

Do you also feel pressured that you're competing against other primetime shows?

Wala, walang pressure sa'kin. Kasi may tiwala ako sa mga katrabaho ko. And may tiwala ako sa TV5. Well, magandang bagay siguro kung ma-pressure ako 'di ba? Pero malaki 'yung naitutulong ng pressure na 'yun sa'min e. Lalo kaming nag-e-enjoy habang nagte-taping, napapaganda namin 'yung mga eksena, and ayun nga, natututo pa rin ako hanggang ngayon. Willing akong matuto.

How is it like working with Danita?

Well, in fairness kay Dan, kung ico-compare ko siya sa lahat ng nakatrabaho ko, sa kanya ako pinaka-close. Lahat ng bagay na gusto ko, gusto niya rin. Nae-enjoy niya [rin] 'yung mga [gusto kong] music, food, [and she's also] family-oriented... Actually, matagal ko na siyang kilala. Way back in 2003.

Basta ako ang gusto ko lang talaga [sa kanya], 'pag nasa taping ako, sa kanya lang ako kumportable, kaya gusto ko palagi lang akong nasa tabi niya. Ang difference no'n [with Rhian Ramos], gusto ko [noon] ako 'yung nasa tabi ni Rhian, pero hindi ko alam kung gusto niya akong katabi. Pero this time, nag-e-enjoy [si Danita] sa company ko, nag-e-enjoy rin ako sa company niya.

Pero ang maganda naman talaga, nag-e-enjoy kami sa work. Marami akong natututunan sa kanya, and bago lang din siya, so this time, ako naman 'yung naka-alalay sa partner ko, hindi na ako 'yung inaalalayan. Parang actor-teacher [ako sa kanya]. Tinutulungan ko rin talaga siya. Kasi siyempre palabas namin 'to e. 'Pag nang-iwan naman ako, parang ang salbahe ko naman 'di ba?

And how is it like working with Arci Munoz?

Ilang beses ko na siyang nakatrabaho, and I have to say, isa siya sa mga paborito kong katrabaho. Kasi alam ko 'yung abilities niya pagdating sa acting. Alam ko kung gaano kalawak 'yung capabilities niya sa trabaho kasi 101 percent palagi, as in magaling siya.

Who else do you want to be paired up with?

Gusto kong makatrabaho si Arci Munoz ng solo. Gusto ko [rin] makatrabaho si Maja Salvador 'tsaka si Kim Chiu, pero kumbaga ano lang 'yan, nagiging fan lang nila ako. Napapanood ko lang sila, tapos fan nila ako. Ganun lang 'yun.

Can you say that moving to TV5 was worth it?

Super worth it. Ito rin naman kasi 'yung hinihingi ko e. Kumbaga ito rin 'yung pinagdadasal ko na mangyari. Ito, binibigay naman ni Lord sa'kin--araw-araw akong may work, araw-araw akong may ginagawa.

Have you changed in any way--as an actor and as a person?

Ano ba? Hehe. It's hard [to say]! Mas ano ako ngayon... spontaneous ako. Nag-loosen up na 'ko kasi nga natututo ako every time meron akong ginagawang bago rito sa TV5. Tapos every time na may ginagawa akong work, nade-develop ko 'yung skills na meron ako, and ina-apply ko siya pagdating sa acting. So malaking difference na rin 'yung makikita nila. Siyempre every show na gagawin ko, more mature [acting] 'yung makikita nila, and ever since naman, ayoko ng pare-pareho 'yung nakikita nilang acting, so nag-e-effort talaga ako pagdating dun.

Does this opportunity given to you make you feel like a big star now?

Well, I suppose, dapat ganun 'yung ma-feel ko. Pero para sa'kin, isa lang siyang opportunity na gina-grab ko lang, na [dahil] gumagawa ako ng palabas dito sa [TV]5, binibigyan ako ng importance. Pero hindi 'yung bida, hindi 'yung [feeling] prinsipe ako rito. Isa lang siyang opportunity na ibinigay sa'kin.

What can we expect your character to wear in the show?

Sa costume, isa lang po ang suot ko rito, 'yung pang-driver lang. Kung hindi ako nakapang-driver ako po ay nakahubad. (Laughs.) 'Yun lang 'yung suot ko. Parang pabawas lang ng pabawas 'yun e. 'Pag nagtanggal ako ng coat, naka-white t-shirt, tapos 'pag nagtanggal ako ng white t-shirt, nakahubad na po ako. So 'yun lang 'yung attire ko sa buong show.

You don't have any problems showing skin on TV, do you?

Medyo hindi ako prepared maghubad-hubad talaga ngayon, pero ginagawa ko siya for the show kahit pangit 'yung ano... Kumbaga, hindi naman all the time kaya mong perfect 'yung katawan mo e. So kailangan makita naman nila kahit papaanong mataba ka, pangit 'yung katawan mo, 'di ba? Wala namang jeepney driver na bato-bato 'yung katawan e.

So how do you stay fit?

Hindi na 'ko nagda-diet ngayon. Kumakain na 'ko ng kumakain palagi [dahil sa] kakapuyat. Fortunate lang ako na hindi pa ako tumataba sa ngayon. Pero hopefully after this show, makapagpahinga man lang ako kahit two weeks para ma-reinvent ko 'yung sarili ko, makapagpapayat muna ako ulit, mabalik ko 'yung tamang katawan ko tapos [mag]-gym na ' ko ulit.

It's fashion month in Cosmo in November (next week!). We'd like to know who your style icons are.

Brad Pitt is one, kasi si Brad Pitt classic style lang din e. Basic colors, plain shirts, plain jackets, puro ganun lang e. Si Tom Cruise, kasi ganun din siya, classic style lang din.

What kinds of clothes do you like to see on a girl?

Gusto ko 'yung presentable. Mas classic, better. Plain clothes, plain colors, ayun. 'Yun ang gusto ko sa babae. Kung naka-simple dress ka, dress ka lang na white, [tapos] slippers ka lang, simpleng-simple. 'Yung ganun lang. Basta presentable. Ayoko ng masyadong maraming ek-ek.

What turns you off?

Bad hygiene. Tapos blabbermouth. 'Tsaka 'yung mga walang respeto sa parents.

You respect your parents that much?

A lot. Serious matter 'yun sa'kin e.

Do you see yourself in a relationship in the near future?

Actually, I don't plan. Lahat ng nangyayari sa'kin ngayon, lahat dumarating lang nang hindi ko hinihingi. Kung ano man 'yung nangyayari sa'kin with my career and with my love life, hindi ko siya hiningi. Parang pinag-pray ko lang siya, na sana may magandang dumating, and [meron namang] magandang dumarating. Kailangan lang nag-aantay ka lang talaga. And siyempre kailangan mahalin mo rin 'yung sarili mo bago ka makakita ng iba, 'di ba?


Click the 'view gallery' button below to see more photos of JC.

Continue reading below ↓
754
Sorry, no results were found for