Sorry, no results were found for

Cosmo Online Hunk Johan Santos: Onscreen Leading Man, Offscreen Lover Boy

In his third week as featured hottie, find out what it would be like to be this gorgeous actor's leading lady in real life.

Whenever we find ourselves crushing on a celebrity, we, more often than not, fall in love with his onscreen persona first. Then we start wondering if he's as suave, romantic, and sexy in real life. We want to know if he can really sweep any leading lady off her feet, just like that. And of course, we fantasize about what it would be like to be the object of his grand gestures and confessions of undying love.

This month's Online Hunk Johan Santos had already won an acting award for his kilig role in Precious Hearts Romance, so he's pretty much proven that he can be a perfect catch--onscreen. So, allow us to share what he's like when he's not playing any other role but himself. We already asked him about his life as a celeb and how he meets and interacts with girls. This time, we asked Johan about matters of the heart.

So, on his third week as this month's featured hottie, you can find out about his views on love, heartbreak, and relationships in general. But don't think that this is all wholesome and mushy--at some point in this exclusive interview, he reveals a little of his naughty side, too!

How many girlfriends have you had?

(Counts with his fingers.) Mga four. 'Yung [pang-]five 'di naman ano 'yun, parang wala 'yun e. Hindi girlfriend, hindi official.

How many of the four were serious relationships?

'Yun, four. Serious talaga 'yun, oo.

How about flings?

Hindi naman 'yun fling. Hindi ako officially nanligaw, parang... Ano ba? Okay lang kami na magkasama, parang ganun.

Was this recent?

Hindi naman.

What makes a woman girlfriend material for you?

Siguro 'yung tipong may ambisyon sa buhay talaga. 'Yung tipong, 'yung ginagawa niya, gusto mo rin para sa kanya. Or naiintindihan mo na siya, [gusto mong] dun siya [sa] kung ano 'yung gusto niyang gawin. Kunyari gusto niyang maging actress din or something, na may maabot [siya] sa buhay niya, kumbaga seryoso sa buhay niya. Hindi 'yung...walang gustong mangyari sa buhay. Siyempre, dun ka sa alam mong may mangyayari 'yung buhay, may patutunguhan.

How would you describe or rate yourself when you're in a relationship?

Dapat sila ang sumasagot niyan e! Tanungin ko muna ha, text ko muna! (Laughs.)

Well, sasabihin ko iba-iba talaga ako dun. Kasi siyempre parang, nung una, mas bata pa 'ko. Parang every stage of a relationship iba ka e. Parang dati medyo seloso ka, o kaya dati hindi mo masyadong maintindihan, kumbaga lagi kayong nag-aaway or parang mga petty ano lang, nagkakainggitan, "Bakit ako, pwedeng ganyan, bakit ikaw hindi ganyan." Mga ganun. So parang every stage ng every relationship mo, nagbabago ka rin. May natututunan ka, may naiintindihan ka sa kanya, kung bakit siya ganyan, kung bakit ganito. Kunwari ikaw, may boyfriend ka. Kung bakit ka ganyan kumilos, magsalita, or mag-isip, dahil ['yun] dun sa dati mong boyfriend. Dahil na-experience mo na masama 'yung ganito. So parang, in every stage talaga, hindi ko ma-rate 'yung sarili ko e. Hindi ko alam kung ano ako. Baka six ako, or five, or seven. Baka may 10 ako, o 'di ba? Perfect boyfriend 'di ba? Pero 'di ko alam.

What if you had a girlfriend now, what kind of boyfriend do you think you'd make?

Siguro six lang. Basta pasang-awa, ganun. Right now hindi ko naman priority mag-girlfriend [because of] work. Kailangan kong mag-earn for me and for my family. Ako nga kasi 'yung breadwinner, so hindi ko masyadong sine-seryoso 'yung relationships or makipag-girlfriend. Although may kasama ako na lumalabas kami. Kumabaga, okay kami, naiintindihan namin 'yung isa't isa, kung ano 'yung mayroon ngayon. Okay kami na magkaibigan or magkasama. 'Yung ganun, 'yun muna. Pero 'yung serious talaga na may commitment, parang medyo...'wag muna. (Smiles.)

Would you say you're afraid of commitment?

Kung mahal ko talaga 'yung babae, or naiisip ko na binubuo ko na lahat ng gusto kong mangyari sa buhay ko sa kanya, oo, siyempre. Gusto ko may commitment kami.

What the craziest thing you've done for a girl to show her that you love her?

Craziest? Naging baliw ba talaga 'ko nung mga panahon na 'yun? Eto: Nag-away kami, actually break na yata kami, nakikipagbalikan yata ako nun. Sa isang coffee shop, gumagawa siya ng thesis niya, and dinalhan ko siya ng doughnuts yata. Then nag-usap kami, hanggang sa nag-apologize ako sa mga nagawa kong masama, kung pwede kaming magbalikan. Hanggang sa umiiyak na 'ko, lahat ng tao nakatingin sa'min, nanonood silang lahat! Umiiyak ako sa kanya, begging her na, 'Please, magbalikan tayo.' Talagang lahat ng tao nakikitang umiiyak ako! Parang may drama, may scene talaga doon. Hanggang kinausap na 'ko ng friend niya na friend ko rin, "Halika, kausapin na lang kita dito sa baba, kung ano talaga 'yung [problema] n'yo." 'Yun. Hanggang sa kinakausap pa rin ako ng friend niya, umiiyak pa rin ako.

Did you get her back?

No, no, no. No na. Talagang may mga bagay na hindi mo na pwedeng makuha. Kumbaga meant to happen na lang talaga. Kung ano 'yung makakatulong sa'yo. Minsan God knows talaga kung bakit niya ginawa 'yun, kung bakit hindi mo na makuha 'yun.

Describe yourself when you're heartbroken.

Umiiyak. Normal, umiiyak. Umiiyak ako sa room na ako lang mag-isa. Nagkukulong lang ako while looking at the pictures, mga memories, may mga music-music pa. Minsan, 'yung [lyrics ng] music parang tumatama pa na, "Uy! Parang sa kanya 'yun!" Mapapaiyak ka pa lalo niyan. So ayun, ganun. Depressed, cry-baby.

How do you move on?

I make myself busy. Gagawa ako nang gagawa ng bagay na hindi ko siya iisipin. And ayokong puntahan 'yung [mga lugar na pinupuntahan namin dati]. (Laughs.)

What's your take on open relationships?

Pangit. Parang ang pangit. Parang ano... Parang ang baboy! (Laughs.) Siguro kung ganun kayo ka-okay, e 'di why not. Pero for me, no.

What is the ideal relationship for you?

Basta masaya kayo! Happy, 'yun lang. Happy, nothing to ask for. Hindi naman kailangan na lahat nabibili n'yo, lahat napupuntahan n'yo, or walang problema. Basta happy lang naman kayo e. Normal lang sa isang relationship na may mga problems talaga. Minsan mas maganda pa 'yung na-te-test 'yung relationship n'yo, kung mahal n'yo talaga 'yung isa't isa, o para [kayo sa] isa't-isa. Basta happy lang kayo na napapasaya n'yo 'yung isa't isa at naiintindhihan n'yo 'yung isa't isa. 'Yun lang. 'Yun na 'yung best relationship siguro.

What's the best relationship advice you've ever received?

'Wag kang magsinungaling. Usually sinasabi ['yun] ng kaibigan, kunyari nililigawan mo 'yung isang tao,  sasabihin [ng friend] niya na: Love her the way you love your mother, or mas mahalin mo pa kaysa sa mga taong mahal mo [ngayon]. And don't ever give her any [reason] na mawawala 'yung trust niya sa'yo. Although minsan parang normal na mag-lie tayo sa kanila pero may mga bagay na 'pag ginawa mo, mawawala 'yung trust niya sa'yo. Basta 'wag ka lang gagawa ng bagay na mawawala 'yung trust niya sa'yo.

Do you think a long distance relationship would work?

Depende. Pero para sa'kin talaga, mahirap. Pero depende pa rin kung paano n'yo i-se-save 'yung relationship n'yo. Pero may mga kilala ako na talagang nag-stick talaga 'yung relationship nila kahit malayo 'yung girl, malayo 'yung guy. Iba talaga. Nandun 'yung loyalty ng isa't isa, 'yung trust ng isa't isa, kaya siguro meant to be na sila na talaga, kahit paglayuin mo sila. Kumbaga may mga tao na kahit pilit paglayuin, paglalapitin at paglalapitin 'yan. Pero sa'kin talaga mahirap, mahihirapan ako for sure. Kasi mas gusto ko 'yung taong makakasama ko, nakikita ko o nakakausap ko. Pero 'yung long distance talaga, mahirap e. Hindi naman constantly magkausap kayo. Hindi naman pwedeng magdamag na nag-i-Internet or [nag-uusap kayo] sa phone. Mas maganda pa rin talaga 'yung nagkikita kayo. Kahit sabihin mong once a month lang, okay lang 'yun. Pero 'yung talagang ilang buwan o aabutin kayo ng years na 'di kayo nagkikita, naku wala na, ma-mi-miss mo nang makipag... (Pauses and smiles.)

Makipag-what?

...Makipag-kiss! Makipag-date! 'To naman. (Laughs.) "Date" 'yun, kayo naman! (Laughs.)


Shot on location at Newport Mall in Resorts World
Special thanks to Tinay Magtira and Karen Sta. Maria of Megaworld

Styling by Kabbie Rodriguez
Makeup by Telay Robles
Special thanks to Allan Altera

Continue reading below ↓
868