Sorry, no results were found for

Cosmo Online Hunk Lucky Mercado: Too Cool For School

As we officially bid summer goodbye, we introduce the first featured hunk in Cosmo's two-month college season. Get to know this singer/actor on his first week!

As part of the hottest new boyband in the country, he sings, dances, hosts, and is fast becoming the ultimate "Crush ng Bayan." We wanted to be the among the first to unveil this super hot stud, so we're making him our featured hunk here in Cosmo.ph for a whole month! Meet Lucky Mark Mercado, our June Online Hunk. 

Lucky may have put school on hold for a showbiz career, but it seems the sacrifice is paying off. The 21-year-old performer is part of the hip new trio Sakto, composed of three talented boys with perfect chemistry and vocal harmony. Very close to his co-members Edgar Alan Guzman and November 2010 Cosmo Online Hunk Rodjun Cruz, Lucky says, "'Pag wala ako, o 'pag wala 'yung isa sa'min, hindi talaga sakto." They first made heads turn when they front-acted David Archuleta's album promo in November last year and came out with a debut album entitled Rampa.

This ripped, smokin' hot performer dances just as well as he sings, and you can catch him (alongside Edgar and Rodjun) busting moves on TV5's variety show Fantastik every Sunday afternoon. In the past, Lucky even proved to be a natural television personality when he hosted GMA's youth-oriented show magazine show Ka-Blog as the athletics and recreation correspondent (perfect for our college theme!). You might also remember this cutie flashing his pearly whites and singing into a wireless microphone in a Colgate commercial. 

Get to know Lucky in the interview below as he talks about life in the spotlight, making his first album, and the people who motivate him. He also reveals his secrets to maintaining that gorgeous physique (click through the gallery to see for yourself in his first set of photos!) and his ultimate celebrity crushes. He'll win you over with his funny quips!

Sakto has been called "The Philippines' freshest and most talented boy group." What do you think sets your group apart from others?

Ah, madali 'yan. 'Yung sa group, siguro 'yung kinaibahan namin--all-around kami. Pwede kami sa acting, singing, dancing, hosting, andun kami lahat. Kumbaga, package na sa aming tatlo, kaya naming gawin lahat 'yon. 'Saka, pagdating sa performance, hindi kami 'yung basta pa-cute pa-cute lang, ganito lang, ganyan lang--performance talaga. 'Yung bawat sayaw namin pinaghahandaan namin. 'Yung  choreography ng sayaw namin, talagang hindi lang 'yung "o pwede na 'yan, pwede na 'yan," talagang "uy 'eto, maganda 'to, 'eto 'yung gawin natin." Sa music videos, siyempre kailangang bongga. Hindi lang 'yung pa-cute pa-cute lang.

What sets you apart from Edgar and Rodjun?


Ang lagi kong biro diyan ganito: Si Rodjun gwapo. Si Edgar pogi--Mr. Pogi e. Sa'kin na lang 'yung malakas ang dating. (Laughs.) 'Yon na 'yung kinaibahan ko sa dalawa. 'Saka, sa'ming tatlo, ako 'yung may pinakamaraming hidden talents. (Ed's note: Wait for our Week 4 interview to know what these are!) At ako 'yung parang clown. 'Pag kami 'yung magkakasama, ako 'yung panimulang kailangang mangulit, mag-ingay, manggulo para mabuhay 'yung grupo.

Continue reading below ↓


'Saka, siguro sa'ming tatlo, 'yung dalawa lang, hindi basta-basta maku-kumpleto kasi nga, kaya kami "Sakto"
: 'Pag wala ako, o 'pag wala 'yung isa sa'min, hindi talaga sakto. Hindi talaga buo 'yung grupo. Although kaya naman, nakakatayo pa rin, pero sa lahat ng ginawa naming events, ako 'yung laging hindi nawawala. Siguro, sa tingin ko, 'pag ako 'yung nawala, 'di kakayanin ng dalawa e. Haha!

What was it like creating your first album Rampa, and finding it so well-received?

Actually, hindi ko ine-expect sa buhay ko na magkakaroon ako ng album, kasi 'di naman talaga ako singer. First time ko 'to, first time kong magkaroon ng album, 'yung experience, lahat, first time. Music video, first time; mga recording, first time; mall shows, first time, kasi hindi naman talaga ako singer e. Binigyan lang ako ng chance ni Sir Noel, at nagpapasalamat ako doon na nabigyan ako ng chance na magkaroon ng album. Masaya, sobra. Lalo na, swerte ko, 'yung dalawang kasama ko, ang bait, sobra, 'yung bonding naming tatlo, iba. Ibang klase. Level up talaga, promise. Iba.

What or who motivates you the most to take on all of these projects?

Ay, 'yung part na 'yan, mahirap. Siguro, family ko. Kasi sa family ko, kahit na papaano nakakatulong ako, 'yung paunti-unti. 'Saka sobrang nae-enjoy ko 'yung ginagawa ko. 'Yon lang, 'yung sa show namin, 'pag may ginagawa kaming mga shoot, kahit minsan, 'di ba, usual naman na naghihintay ka, matagal, ganyan, pero masaya, kasi nae-enjoy ko. Kayo, kahit hindi ko kayo kilala, tingin ko pa lang, masaya na kayong kasama. Nag-e-enjoy ako kasi masaya. 

You're a phenomenal dancer, we see you on Fantastik, but what else do you do besides dancing to maintain your physique?

Workout. Hindi naman regular 'yung workout ko, so minsan 'pag walang taping, walang mall shows, nag-gy-gym ako. Tapos every Monday, Wednesday, Friday, meron akong training ng MMA (Mixed Martial Arts), so 'yon. Doon na lang, kasi hindi naman ako nagda-diet e. 

When do you feel sexiest?


When I wake up in the morning. Kasi feeling ko, walang laman 'yung tiyan ko. Parang, ang slim-slim.  Parang 'pag tumitingin ako sa salamin, parang bago ako maligo, bago ako mag-toothbrush, parang ang ganda ng katawan ko. Tapos fresh, 'di ba?

What part of your body would you showcase on a billboard, if you could use just one?

Bilang utang na loob ko sa Colgate, talagang na-discover ako sa ngipin ko, sa teeth. (Smiles.) 'Pag nag-smile ako, 'yun na lang isho-showcase ko. O gusto mo sa body? (Laughs.) Siguro...abs ko.

What's the most flattering thing a fan has ever done for you?

Last birthday ko, sa PO5, sinurprise ako ng dalawa kong fans na pumunta sa dressing room namin, pumasok sila sa loob ng tent, tapos may dala silang cake. So nagulat ako, 'O, para sa'kin 'yan?' Alam nila na birthday ko tapos dinalhan nila ako ng cake.

Who is your ultimate celebrity crush, and if you had a private jet, where would you take her?

Parang ang hirap magbanggit. Sino ba? Ang gustong-gusto ko talaga, noon pa, si Heart Evangelista, siyempre taken na siya. Siyempre. Pero pwede bang siya pa rin? Marami e. Si...Cristine Reyes, na taken na rin. Si...Jasmine Curtis. ('Yon!) Siguro dadalhin ko siya sa Pagudpud. Kasi sa Pagudpud, virgin pa 'yung dagat, hindi pa siya masyadong madumi e. Sobrang ganda, kahit nasa loob ka ng room mo, tapos matatanaw mo 'yung dagat, makikita mo talaga 'yung lupa. Sobrang linaw ng tubig. 'Saka ang ganda, sobra, sa Pagudpud.

Describe yourself in three sentences.

(Laughs.) Ang hirap... Alam ko na. I’m good. I'm better. And I'm the best, kasi I’m all-around!

Watch for more photos of Lucky and the second part of our amusing interview with him next Wednesday.


Continue reading below ↓

Shot on location at Nuvali in Sta. Rosa, Laguna.
Special thanks to Ayala Land.

Outfit: Shirt and polo, What A Girl Wants... For Her Man. Pants, Penshoppe.


Stylist: Camille Santiago
Makeup: Karen Santos
 Sittings editor and additional reporting: Trixie Reyna
Celebrity coordinator: Allan Altera
Intern: Marianne Salazar

1248